ABS-CBN to remake three Susan Roces movies

Movie queen Susan Roces has a very special role in the TV remake of her old film Patayin Sa Sindak Si Barbara. Her original role will be played by Kris Aquino.


Dumating sa presscon ng Alay ni Da King: An FPJ Special kagabi, December 5, ang biyuda ni Fernando Poe Jr. na si Susan Roces, ang anak nilang si Grace Poe-Llamanzares, at ang ABS-CBN Channel Head na si Charo Santos-Concio. Inamin ni Susan sa presscon na after three years ng pagkawala ng kanyang asawa ay may nararamdaman pa rin siyang kirot sa puso.



"Palagay ko, katulad ng ibang naranasan na ang mawalan ng isang mahal sa buhay, it will never go away," sambit ni Susan. "Maya't maya may mga alaalang bumabalik. But siyempre, in life, we have to prioritize. Hindi naman puwedeng malungkot ka lang palagi.

"Pero hindi naman maaring sabihin na tapos na, wala na. Nandiyan lang siya palagi. Alam ko sa ngayon, natutuwa siya dahil lahat naman ng ipinagbilin niya ay isa nang natutupad katulad nga nito," sabi ni Susan na ang tinutukoy ay ang appointment ni FPJ bago siya namatay kay Charo para sa kanyang mga pelikula.



Ibinalita rin ni Susan ang bago niyang programa sa ABS-CBN pagkatapos mawala sa ere ng sitcom nila ng Comedy King na si Dolphy at Diamond Star na si Maricel Soriano, ang John En Shirley.



"It's a corporate decision," ayon kay Susan tungkol sa pagkakansela ng John En Shirley. "We were each assigned to different shows. I, in Patayin Mo Sa Sindak Si Babara. I think Maricel is doing one with Cesar [Montano], and Mang Dolphy has several shows offered but he opted to rest for a while. You'll find him busy again next year, so he's preparing for that.



"I'm doing a Sine Serye, Patayin Sa Sindak Si Barbara. Kasi tatlo sa mga pelikula ko ang gagawin nilang Sine Serye. I don't know what'll they call it... It's Susan Roces Collections... So, Patayin Sa Sindak Si Barbara, Florinda, and Maligno. In Patayin Sa Sindak, I play a role doon sa istorya pero a new added role. Kasi ibang side naman ni Barbara ang ipapakita," kuwento ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibang-iba ba ito sa movie version na ginawa niya noong 1974 with Rosanna Ortiz na gumanap bilang Ruth?

"It's closely followed, pero mas may depth in the character of Barbara. I play Barbara's stepmother. Kasi yung pagkatao ni Barbara, hindi naman talagang inano doon [sa original movie] dahil the center is Ruth haunting Barbara. All those are also included [in the TV version] kaya lang idinagdag nila itong character na ito," paliwanag ni Susan.

Gagampanan ni Kris Aquino ang role na Barbara sa remake ng movie ni Susan para sa Sine Serye ng ABS-CBN. Si Jodi Sta. Maria naman ang gaganap bilang si Ruth.

Kumusta naman ang working relationship nila ni Kris?

"Oh, we're okay," sambit ni Susan. "We're having fun although it's a serious job. Hindi naman comedy. So, siyempre, doing a drama medyo iba ang atmosphere. Ngayon ko lang nakakatrabaho si Kris actually, dahil sa Mano Po, we played the same character, e. She's the younger version ‘tapos ako yung older version."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN