Rayver Cruz still positive about future of his loveteam with Shaina Magdayao

"Kami naman ni Shaina, maganda ang working relationship namin. Walanamang makakasira sa pagiging professional naming dalawa. As long aswe're doing our jobs right, walang magiging problema," says Rayver Cruz about his loveteam with Shaina Magdayao.


May pag-asa pa raw ang tambalan nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao. Dalawa ang pelikula nila sa nalalapit na 2007 Metro Manila Film Festivalang Bahay Kubo ng Regal Entertainment at Katas ng Saudi ng Maverick Films.



Kahit na may John Prats nga na pumagitna sa tambalan nina Rayver at Shaina, gagawin pa rin daw nila ang lahat upang pasayahin ang kanilang mga fans.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver sa presscon ng Bahay Kubo, kagabi, December 5 ay sinabi niya na sayang naman ang sinimulan nilang loveteam ni Shaina kung basta-basta na lamang itong mabubuwag. Kumita ang unang tambalan nila na Happy Hearts at marami sa fans nila ang naghihintay na magtambal sila ulit.



"Ginagawa namin ito para sa mga sumusuporta sa amin," sabi ni Rayver. "Kami naman ni Shaina, maganda ang working relationship namin. Wala namang makakasira sa pagiging professional naming dalawa. As long as we're doing our jobs right, walang magiging problema."



Inamin ni Rayver na nagulat siya sa pag-amin ni John na nanliligaw pala talaga ito sa kanyang ka-loveteam na si Shaina. Never naman daw niyang inusisa kay John ang issue kahit na noon pa nababalita na nagde-date daw nang palihim sina Shaina at John.



"Hindi naman ako tsismosong tao," diin ni Rayver. "Hindi ako naniniwala basta-basta. Pero ngayon na alam ko na, okay pa rin naman. At least, alam ko na kung saan ako nakalugar."



Handa naman daw si Rayver sa anumang puwedeng mangyari between John and Shaina. Maging sila man o hindi, parati naman daw nandiyan si Rayver para sa dalaga.



"Bilang kapamilya, nandito ako to support her. Masyado nang matagal ang pinagsamahan namin ni Shaina sa trabaho at hindi ko naman siya basta-basta na lang iiwan sa ere. Whatever happens, may team-up pa rin kami," pahayag ng young actor.



Pero nababalitang may nililigawan na raw na iba si Rayver—ang Star Magic talent din na si Dianne Medina. Natawa na lang si Rayver sa narinig at sinabi nitong magkaibigan lang sila ni Dianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado si Rayver na medyo attracted siya kay Dianne dahil maganda ito at matalinong babae. Kahit sino raw ay magkakagusto sa dalaga. Pero tatlong taon ang tanda ni Dianne kay Rayver. Twenty-one years old na si Diane samantalang 18 years old pa lang si Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN