Aga Muhlach envisions schools for less privileged children

Aga Muhlach says his twins, Atasha and Andres,are not spoiled brats. In fact, the two kids participate in his yearly project with Jollibee, "Ma-Aga angPasko," and shares their toys. Aga says, "The first timewe tried it with them, they felt good in giving."


Isang maagang pamasko ang inihandog ni Aga Muhlach atng Jollibee food chain para sa mga kabataan ngayong taon.

Kahapon, December 6, ang hudyat ng pagsisimulang taunang book-and-toy drive ng Jollibee, ang "Ma-Aga ang Pasko," kasama angpinakatampok nilang endorser na si Aga Muhlach sa CCP Complex, Roxas Boulevard,Pasay City.

Nasa ika-13 taon na ngayon ang nasabing proyekto at satinagal na nito, tila nais ni Aga na magkaroon pa ng mas seryosongpangangampanya para sa mas mabuting edukasyon sa bansa—ang pagpapatayo ng mgapaaralan.

Para kay Aga, "Lagi kong sinasabi, hindi naman po talaga itopara sa akin kundi para sa mga kabataan.

"Right now, me andmy wife are really thinking of... Matagal ko na ring pangarap ito, more than toysand books, we're thinking really of parang... Wouldn't it be nice if may mabalitaankayo na, hopefully, makapag-partner kami with Jollibee na makapagpatayo ngeskuwelahan naman, di ba?"

Karagdagang paliwanag pa ng endorser-actor, "Kasi magtatakaka, sa dami ng mga nakapuwesto sa taas, na hindi ko maintindihan hanggang ngayonkung bakit nagkakahirapan magtayo ng eskuwelahan. Kaya naiisip ko yung mga bata na nandito, kung sila yung nasakongreso at nasa senado, siguro ang ganda ng takbo ng bansa natin ngayontalaga. Di ba, ang sarap ng feeling ngganun?

"Hopefully, maayos ng lahat ng 'yan. And in God's time, for sure, maayos talaga'yan. And I believe kapag nangyaritalaga 'yan, mas magiging maganda ang takbo ng bansa natin because ang mgabatang ito, hindi lalaking mga loko-loko."

Samantala, napag-usapan na rin lamang ang mga kabataan,tinanong ng press si Aga kung papayagan ba niya kung sakali namag-artista ang kanyang kambal na anak—sina Atasha at Andres.

"Hangga't nasa poder ko sila, ako ang magdedesisyon. Kapag wala na sila sa bahay ko, bahala nasila kung ano ang gusto nilang gawin, hindi ko na sila pipigilan," mariing sagot ni Aga.

Dagdag pa niya, hindi naman daw niya pipigilan ang kambalkung talagang nanaisin nilang maging artista. Aniya, "Wala namang masama roon. Ito ang trabaho ko, ito ang nagbibigay ngpagkain sa lamesa namin kaya hindi ko [pipigilan yun]. Kaya lang, sa akin lang, parang hindi konagawa yung makapagtapos [ng pag-aaral]. Gusto ko langnaman makapagtapos muna sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, kung kaya nilang pagsabayin 'yon, kung gustonilang magtrabaho talaga, bakit hindi? Hindi ko sila pipigilan, pero tuloy pa rin nila ang pag-aaral nila."

Ayon kay Aga, talagang napakahalaga para sa kanya namakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak. Ito lamang daw ang tanging maiiwan niya sa kanyang mga anakat hindi ang anumang kayamanan.

Muli pa niyang paalala, "Mag-aaral talaga sila dahil alamnilang wala silang mamanahin sa akin. Sinabi ko na sa kanila, ‘Eskuwela lang ang ireregalo ko sa inyo, walanang iba pa.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN