Shaina & Rayver, John & Maja: Switching partners?

(From left) John Prats, Maja Salvador, Shaina Magdayao, and Rayver Cruz might see themselves with a different partners next year.



Collectively, ipinakilala sina Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Maja Salvador, at John Prats bilang UD4 or Ultimate Dance 4. Bukod sa kanilang dance album from Universal Records, regular din silang napapanood sa ASAP at may sarili silang number every week na hiwalay sa ibang artista.

Regular partner sina Shaina at Rayver mula pa sa first season ng Star Magic Presents: Abt Ur Luv at Rounin. Nai-launch na rin sila ng Regal early this year through the movie Happy Hearts. May dalawa silang pelikula sa 2007 Metro Manila Film Festival, ang Bahay Kubo sa Regal at Katas ng Saudi sa Maverick Films.

Nailunsad din this year ng Regal si Maja sa My Kuya's Wedding opposite partner Jason Abalos, na unang napagtambal sa isang Star Cinema movie na First Day High. Sa katatapos lang na Pangarap na Bituin, ang Pinoy Dream Academy runner-up na si Jay-R Siaboc ang nakatambal ni Maja.

Since he and sister Camille Prats started in 1992 sa Ang TV ng ABS-CBN, marami-rami na ring nakatambal si John at marami na ring na-link sa kanya.

Sa UD4, sina Shaina at Rayver pa rin ang magka-partner at sina John at Maja naman ang magka-team. One of these days, dancing with different partners yata ang apat dahil sa nangyayari sa kanila on and off screen.

Both John and Shaina confirmed the news na nanliligaw nga si John kay Shaina. Bagama't patuloy pa rin daw si Rayver sa panliligaw kay Shaina at handa itong maghintay, matunog na rin ang balitang may namamagitan na kina John at Shaina na tinatanggi pa rin nila.

Sabi nga ni Shaina sa presscon ng Bahay Kubo, "I'm still enjoying my life. Ayokong umiyak [kung sakali] kaya it's just friendship I'm offering to everyone. Ayoko ng gulo. Ayoko munang magseryoso. Love can wait."

Samantala, sina Rayver at Maja naman ang magka-partner sa bagong soap ng ABS-CBN na Anna Liza. Pinalitan ni Rayver ang una nang na-announce noon na si Jason, na sa huling pakikipag-usap namin ay sinabing bagama't hindi naman daw siya nasaktan ay nagulat siya na siya ang huling nakaalam tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balita namang may ayaw agad sa loveteam nina Maja at Rayver. Ayon sa naisulat sa isang tabloid, "napaglumaan" na si Rayver ng loveteam niya with Shaina. Kaya sana naman daw, kung may itatambal na bago kay Maja ay outside of Jason or even Jay-R. Sana raw ay fresh from any love team.

Hindi nabasa ni Rayver ang balita, pero sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon din ng Bahay Kubo, hindi naman daw siya ang nagdedesisyon nito kundi ang management ng ABS-CBN.

"Ako po trabaho lang, kung ano ang ibigay sa akin. Wala pa naman po ako sa position para makapili ng ipapares sa akin," pahayag niya.

Sa pagtatapos ng Bahay Kubo presscon, tinanong ng PEP sina Shaina at Rayver kung magsu-switch partner na rin sa ba sa UD4.

"Wala naman pong ganong plano. Kami pa rin si Shaina ang magka-partner sa dance numbers namin," sagot ni Rayver na sinang-ayunan naman ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN