Dennis Trillo's Christmas wish: Quality time with son Calix Andreas

Carlene Aguilar warns Dennis Trillo about hisdecision to stay single. She says,"Yung sinasabi niyang single muna, let's wait and see. Sana galingan niyang magtago."


Sa kabila ng pagbabati nina Cristine Reyes at CarleneAguilar, tila hindi naman matapus-tapos ang isyu sa pagitan nina Carlene atdati nitong boyfriend na si Dennis Trillo—na siya ring ama ng kanyang anak na si Calix Andreas.

Kamakailan lang, kinumpirma ni Dennis na hindi siya pinapayagan ni Carlene na makita angkanilang anak.

Sa taped interview ng The Buzz kahapon, December 9,sinabi ni Dennis, "Siyempre, hirap akong makabisita doon. Siyempre, gusto kong ma-experience din ngparents ko na makita din ang apo nila."

Malungkot din niyang hiniling na sana makasama niya ang kanyanganak sa darating na Pasko. "Sanamakasama ko yung anak ko sa Christmas, kahit sandali. Kahit ano, kahit na Christmas eve or kahit kinabukasan na ngChristmas. Basta yun lang, gusto ko lang ma-spend yung kahit konting qualitytime [with him]."

Bunsod ng mga pangyayari, minabuti ni Dennis na putulin nalamang ang ugnayan nila ng young actress na si Crisitne. Aniya, "Kailangan minsan, may kailangan ka talagangi-sacrifice. Pero friends pa rin naman,e, mayroon pa rin naman kaming pinagsamahang dalawa and gusto ko na mag-remainna ganun talaga."

Dagdag pa niya, napagdesisyunan na rin niya na umiwas munangmaiugnay sa kahit kaninong babae upang hindi na maulit ang mga pangyayari sapagitan nina Cristine at Carlene.

Paliwanag ng aktor, "Para maging wala nang gulo, naramdaman kona kailangan kong huwag munang ma-identify sa kahit kanino. Concentrate lang muna sa anak kapagnagkaroon na ako ng time na makita ko siya."

At ang kanyanghiling sa pagkakabati nina Cristine at Carlene: "Sana maging masaya silapareho. Ngayon, mag-move on na tayo,panibagong chapter ng buhay."

Samantala, taliwas naman ang nakuhang impormasyon ng TheBuzz ukol sa pagnanais ng aktor na makita ang kanyang anak. Ayon sa reliable source ng TheBuzz, wala naman daw effort si Dennis hanggang sa ngayon para makita omakasama ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Matapos ang taped interview, ibinigay naman ng TheBuzz ang naging reaksiyon ni Carlene sa maikling interview kay Dennis. Ang mensahe ni Carlene sa dating kasintahan,"Unang-una, maging mabuti siyang example sa anak namin, mahalin niya at ayusinniya ang sarili niya. Pangalawa, huwagsiyang magbitaw ng mga salita na hindi niya kayang panindigan. Yung sinasabi niyang single muna, let's waitand see. Sana galingan niyang magtago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN