Sexy actor Allen Dizon realizes dream to win acting trophy

"Before, ma-nominate lang ako, tama na sa akin. Kumbaga,major achievement na para sa akin 'yon. Pero noong mabigyan na ako ngrecognition para sa role ko sa Twilight Dancers, masasabi ko na natupad na ang isa sa mga pangarap ko," says Allen Dizon about winning Best Supporting Actor Award.


Mukhang mababawasan na ang pagpapa-sexy ni Allen Dizon ngayong matatawag na siyang isang award-winning actor.



Kailan lang ay napanalunan ni Allen ang ikalawa niyang Best Supporting Actor trophy sa nakaraang FAMAS Awards para sa papel niya bilang laos na macho dancer sa pelikulang Twilight Dancers. Sa naturang pelikula rin kinilala si Allen sa Star Awards for Movies earlier this year.

Ayon kay Allen, noong nagsisimula pa lang siya bilang isang sexy actor ay pinangarap na niyang manalo ng acting award. Hindi nga lang niya inasahan na maaga itong darating sa kanya.



"Noon nga, kapag nanonood ako ng mga awards night sa TV, parang nag-iilusyon ako noon na manalo ng award. Kunwari, may acceptance speech pa ako!" tawa ni Allen.

"Before, ma-nominate lang ako, tama na sa akin. Kumbaga, major achievement na para sa akin 'yon. Pero noong mabigyan na ako ng recognition para sa role ko sa Twilight Dancers, masasabi ko na natupad na ang isa sa mga pangarap ko," pahayag ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ibinigay ng Viva Artist Agency kahapon, December 10.



Sa edad na 30, gusto nang ibahin ni Allen ang sexy image niya. Nagkakaisip na raw kasi ang dalawang anak niyang babae na sina Nela Marie (five years old) at Felicia (two years old). Mahirap na raw na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang trabahong pinasok niya.



"Before kasi, wala naman silang alam," sabi ni Allen. "Hindi nila napapanood ang mga pelikulang nilabasan ko. Sa TV lang nila ako napapanood. Hindi ko na hihintayin ang time na tatanungin na nila ako kung bakit ako nakahubad sa litrato o bakit ako nasa isang pelikulang sexy. Kaya ngayon pa lang, iibahin na natin ang image ko."



Patuloy niya, "Tsaka nagkakaedad na rin tayo. Hindi na rin bagay sa edad natin na nagpapa-sexy sa pelikula. Siguro sa mga pictorials, puwede pa, pero may limitations na. Hindi na puwede yung may bumabakat o may sumisilip-silip. Tapos na tayo sa mga ganung pictorials. Ibigay ko na lang ‘yan sa mga baguhan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kailan lang ay pumirma ng one-year managerial contract si Allen sa Viva Artist Agency. Ipinaubaya na ni Allen ang pagma-manage ng career niya sa magkapatid na Veronique at Vincent del Rosario.



"Maganda ang mga pinag-usapan namin at may mga projects na silang naka-lineup for me simula ng 2008. Alam din kasi nila na may negosyo akong pinapatakbo sa Pampanga kaya mag-a-adjust din daw sila sa time na puwede ako. Sana nga maging mas maganda pa ang kalabasan ng career natin sa bagong taon," lahad ni Allen.

Kasama si Allen sa bagong action-adventure series ng ABS-CBN na Kung Fu Kids. Pinasok din niya ang pagpo-produce ng isang independent film titled Crossroads, kung saan kasama niya sina Jay Manalo, Krista Ranillo, Angelu de Leon, Snooky Serna, Kirby de Jesus, Joseph Bitangcol, and Ms. Gloria Romero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN