Ara Mina defends co-star Valerie Concepcion against malicious rumors

"Hindi namin alam kung sino ang gumagawa ng mga issues. Kung hindi silamasaya sa nangyayari sa kapwa nila, may matira naman sana silangkonsiyensiya kasi hindi naman kami nang-aapak ng tao," cries Ara Mina.



Kung emosyonal na hinarap ni Valerie Concepcion ang mga intrigang nagli-link sa kanya kay Manny Pacquiao, matapang namang hinarap ni Ara Mina ang mga below-the-belt na intrigang nag-uugnay sa kanila ng Pambansang Kamao.

Nabalita before na si Manny daw ang nag-finance ng bagong bahay ni Ara. Ngayon naman ay lumalabas sa mga balita na ang binabalak daw na bilhing house and lot ni Valerie ay manggagaling din sa bulsa ng boxing champ.

Sina Ara at Valerie ay leading ladies ni Manny sa 2007 Metro Manila Film Festival entry Anak ng Kumander, na mismong ang boksingero rin ang nag-produce.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ara sa hallway ng ABS CBN last Saturday, December 8, ay ipinagtanggol nito si Valerie sa mga naglalabasang intriga laban sa young actress.



"Alam mo, sa totoo lang, nagtatrabaho yung bata dito sa Wowowee," panimula ni Ara. "Every day ang trabaho niya dito at sa araw-araw pa lang na suweldo niya dito, puwede siyang kumuha ng bahay at lupa. Lalo na ngayong mababa ang interes sa bangko, so puwedeng-puwede kang mag-loan."

Patuloy niya, "Isa pa, si Valerie, walang kaaway ‘yan. Tahimik na bata ‘yan saka may image din siyang inaalagaan as Wowowee host."

MESSAGE TO JINKY. Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Ara para sa misis ni Manny na si Jinky Pacquiao.



"Ako, ang advise ko lang kay Jinky, sana huwag siyang maniwala sa mga tine-text sa kanya. Alam ko hindi pa siya handa sa showbz. Pero kung nagko-comment siya o nagsasabi ng kung anu-ano, isipin niya yung pamilya niya. Isipin din niya na may nasasaktan din siyang pamilyang iba, katulad na lang ng Mom ko na nasaktan sa issue; same din kay Valerie at sa family niya," pahayag ni Ara.

Sabi pa ni Ara, alam niyang may mga kung sinu-sinong nagte-text kay Jinky na nagiging dahilan para makaramdam ito ng galit o selos sa mga nali-link kay Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I talked to Manny before and sinabi niya sa akin na may mga nagte-text daw kay Jinky ng kung anu-ano like, ‘Hoy, si Ara at si Manny, ganito, ganyan.' Ako, ipinagtanggol ko ang sarili ko, ipinaglaban ko ang karapatan ko na hindi totoo yung mga lumalabas na balita. Sa kaso ni Valerie, tingin ko may nagte-text kay Jinky na si Valerie naman at yung asawa niya," pahayag ni Ara.

Sa kabilang banda ay sinabi ni Ara na mabait naman daw si Manny. Napaka-ironic nga lang na wala pala itong alam sa epekto ng mga isyung lumalabas patungkol sa kanila at maging kay Valerie.



"Mabait si Manny and naaawa nga ako sa kanya kasi hindi niya alam ang mga nangyayari," sabi ni Ara. "Kasi nung magkita kami sa shooting, ang sabi niya, ‘Grabe ka palang binugbog dito sa issue!' Para sa akin, ‘Hindi mo alam?' Halos lumuha na ako ng dugo sa mga isyu na ‘yan, pero naiintindihan ko naman kasi siyempre focused siya sa training niya. Ang masaklap pa, hindi rin siya ma-interview kasi nasa ibang bansa siya."



PUBLICITY? Sa obserbasyon ng marami ay bahagi lang daw ang lahat ng ito sa promo at publicity ng pelikulang Anak ng Kumander, na si Manny mismo ang nag-produce.



"Hindi magandang promo ito," sabi ni Ara. "Ang pangit ng mga intriga na ganyan kasi paano kami magpu-promote together? Just like I've said, mabait si Manny, but the problem is hindi namin alam kung sino ang gumagawa ng mga issues. Kung hindi sila masaya sa nangyayari sa kapwa nila, may matira naman sana silang konsensiya kasi hindi naman kami nang-aapak ng tao."

COLD WAR? Samantala, bali-balita rin na may cold war na namamagitan kina Ara at sa kapatid na si Cristine Reyes. Nakipagbalikan daw kasi ang huli kay Dennis Trillo sa kabila ng mga problema at kahihiyan na muntik nang mauwi pa sa demandahan. Pero pinabulaanan naman ng aktres ang naturang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"No, that's not true," tanggi niya. "Wala kaming cold war ni Cristine. Actually, mas naging close nga kaming magkapatid. Ako kasi, hindi ako nakikialam sa lovelife niya. Simula nung nag-away kami, hindi ko na siya pinapakialamanan. Happy ako na ako ang unang tinawagan niya nung nagkaproblema sila ni Carlene [Aguilar]. Basta ako, nandito ako to guide her. Magbibigay ako ng advise, pero sinasabi ko nga sa kanya, bahala siya. Nasa kanya pa rin ang decision.



"Wala akong magagawa kung totoo ngang nagkabalikan sila kasi puso ‘yan, ganyan din naman ako ‘pag puso na ang pinag-usapan. Ako, ang masasabi ko lang kay Dennis, sana huwag nang maulit uli ito. Ipagtanggol naman niya ang kapatid ko ‘pag may intriga uli at sana huwag niyang pabayaan yung anak niya kay Carlene. Saka di masama magsalita kung kinakailangan at may naaagrabiyado nang tao," pagtatapos ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN