Cesar Montano dares Richard Gomez again to "Pinoy Mano-Mano"

"I hope matuloy ‘yon para makita ng tao na talagang magkaibigan nakami. But I'm not hoping na matuloy para mag-away kami. I'm hoping napatunayan sa publiko na wala na kaming gulo. Na magkaibigan na kami," explains Cesar Montano about wanting to face Richard Gomez (inset) in the boxing ring.



Ngayong Sabado, December 15, magaganap ang sagupaan sa finals nina Jordan "The Jaguar" Herrera at Rico "The Truth Behind The Booth" Robles sa Pinoy Mano*Mano: The Celebrity Boxing Challenge ng ABS-CBN. Handang-handa na ang dalawang celebrities sa inaabangang match nila sa boxing reality show ng ABS-CBN na hinu-host nina Cesar Montano at Bayani Agbayani.



"Ang reward nila, e, is P500,000 plus a brand new car. Yung matatalo will still have P150,000. Wala nang kotse. Pero lahat ito tax free," paliwanag ni Cesar sa presscon ng Pinoy Mano*Mano last Monday, December 10, sa Belissimo restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.



Bago ang main event sa Saturday, lumaban as part of the undercard division ang nakababatang kapatid ni Cesar na si Rommel Montano. Inamin ni Cesar na nawawala siya sa pag-a-annotate habang pinapanood ang sarili niyang kapatid na nakikipaglaban sa loob ng ring.



"Niloloko nga nila ako kasi may mga moves ‘yan na hindi ko minsan gusto," sabi ni Cesar. "Siyempre, on my own thinking, I have my own idea what boxing is. So, minsan nanonood ako, hindi na nga ako nagsasalita. ‘Cesar, Padre, magsalita ka naman.' Ginaganun ako ng mga kasama ko.



"At the same time, mahirap ang position ko, e. I'm a commentator and yung brother ko, kailangan hindi ako biased. Kailangan neutral lang ako. So I would always, sabi ko, ‘I know my brother.' Alam ko ang lakas niya. I know he can box better than that. Nakaka-sparring ko siya and everything. Sa tingin ko, dapat mag-practice pa siya kasi naniniwala ako sa skill niya, e. Nag-karate ako, nag-karate rin siya. Meron na siyang lakas sa katawan. May power na yung suntok niya, e. Matagal na siyang nagka-karate just like Michael Roy [Jornales].



"'Ayun, mahirap, mahirap para sa akin. Kasi worried ako and at the same time, kasi nag-usap na kami before he fights. Kapag hindi niya nagagawa yung bilin ko, nadi-distract ako. ‘Ang tigas talaga ng ulo ng batang ito!' Immediately, after that, ganun na naman. Nakalimutan ko na naman ‘yan. But one thing good about him is he's a tough learner and tinatandaan niya ‘yon. Next fight, nagbabago na ang fight niya. Itong huling fight niya, hindi na siya nanghahawak ng leeg, e," mahabang salaysay ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ROMMEL VS. ANDREW.
May posibilidad ba na magharap ulit si Rommel at ang dati nitong nakaalitan na si Andrew Wolff?



"I'd love to see that, and Rommel is excited na magkaharap ulit sila sa second season ng Pinoy Mano*Mano," sabi ni Cesar.



Malaki raw ang posibilidad na magharap ulit sa ring sina Andrew at Rommel dahil kumpirmado na raw ang pagsali ng hunky model sa Pinoy Mano*Mano Season 2.



"Marami silang sasali sa second season," ani Cesar. "Lahat sila, makakaharap niya [Rommel], yung mga kasing bigat niya. He's going to fight under 170 pounds. Lahat ng mga katapat niya, hahabulin niya yung weight na 'yan o didikit sa weight na ‘yan para lang makalaban siya. Isa na diyan si Andrew Wolff and si Jon Hall. Si Jon Hall pa lang, naku, mabigat na kalaban na ‘yan."



E, paano na ang match nila ni Andrew for his charitable institution?



"Inimbita namin siya at okay naman siya," sagot ni Cesar. "Kaya lang, yung time, dahil naglalaro ngayon si Andrew para sa SEA Games [sa Thailand]. Kaya hindi siya pumuwede."



CESAR VS. GOMA. What about si Richard Gomez na tumanggi sa hamon ni Cesar dahil hindi naman daw boxing ang sports niya? Bagkus ay hinamon siya nito sa larong fencing at target shooting.



"Ewan ko," pagkikibit-balikat ni Cesar. "Correct me if I'm wrong, iniimbitahan niya rin akong mag-fencing for the same reason, pati shooting competition. Hindi rin ako professional sa ganun, hindi rin ako nagpe-fencing. But my answer is yes, call ako. Pero dapat call din siya sa akin.



"Yes, I'm still hoping na magharap pa rin kami. Kahit piko nga ang hamon niya sa akin, lalaban ako ng piko sa kanya. Kahit pitik-bulag, sasamahan ko siya. Sumama lang siya sa akin sa Pinoy Mano*Mano.



"It's a good hamon," patuloy ni Cesar. "It's not a hamon na makikipag-away tayo. It's for charity institutions, but since sabi niya nga hindi siya boxer, ako rin naman. Pero dahil naghahamon siya ng fencing at gun shooting, ako, hindi rin ako nagpe-fencing pero ang sagot ko, oo. Kahit saan laban, lalaban ako basta kailangang umoo siya rito. Basta samahan muna niya ako rito sa Mano*Mano because we have a good intention. We want to help the needy people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagsimula ang alitan sa pagitan nina Cesar at Goma nangkapwa sila tumakbong senador sa nakaraang May 2007 elections. Sakasamaang-palad, parehong nabigo ang dalawang aktor sa kanilanghangarin.

So, hindi na matutuloy ang match nila ni Goma?



"I hope matuloy ‘yon para makita ng tao na talagang magkaibigan na kami. But I'm not hoping na matuloy para mag-away kami. I'm hoping na patunayan sa publiko na wala na kaming gulo. Na magkaibigan na kami," diin ni Cesar.

Ibig bang sabihin nito ay si Goma na lang talaga ang kaalitan ni
Cesar ngayon?



"Hindi naman," tanggi ng aktor. "Marami pa kasing kuru-kuro na parang ano kami... Ipapakita lang namin ni Goma siguro na kami ay hindi na magkaaway at kami ay puwedeng magsuntukan at magyakapan after that.



"I mean, kung okay sa kanya ito, ako naman wala naman akong masamang minimithi dito. Ito ay para ipakita lang namin dito na after fighting, we're friends because we're aiming with one good intention. Kaya nga sabi ko kanina, call ako doon dahil alam ko na it's for a good cause."



Personally, may nararamdaman pa rin ba siyang galit kay Richard?



"Sa kanya? Wala. Wala akong galit sa kanya. Ewan ko lang kung may galit siya sa akin."



Paano kung si Richard pa rin ang galit sa kanya?



"Ay, good! E, di lalo kaming dapat magkita sa ring!" diretso niyang sagot.

"Wala naman ‘yon," dugtong niya. "Nakikita mo naman ang mga kaibigan natin na sina Rico Barrera, Michael Roy, they're fighters, meron silang samaan ng loob. Pero naibubuhos nila doon [sa ring] and they're still good friends. Yung mga gumagawa noon, ibig sabihin hindi namin kayang gawin ni Goma?



"Of course, kaya rin naming gawin ‘yon and I'm willing to do it. I don't know lang kay Goma if he's willing to do it," pahayag ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CESAR VS. TULFO BROTHERS. Kabilang din sa nakaalitan ni Cesar noon ang magkapatid na Ramon at Erwin Tulfo. Hindi ba niya iimbitahan isa man sa magkapatid na makaharap sa Pinoy Mano*Mano?



"Yeah, nag-uusap na kami," sagot ng aktor. "After the commotion, nag-usap na kami and we, si Ramon, nag-usap na kami. Nag-usap na rin kami ni Erwin. So, it's a settled case. Isinarado ko nang ganun. But, kung sila meron ding silang imbitasyon sa akin, ako naman ay open. Wala namang problema doon, we're friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN