Rhian Ramos hate-email blamed on GMA Artist Center

A new email from a certain "Marlon Fabian" accuses GMA Artist Center, headed by Ida Henares (inset), of masterminding hate messages against young actress Rhian Ramos.



Maglalabas na ng official statement ang GMA Artist Center regarding the malicious email na patuloy pa ring ipinapadala ng mga so-called disgruntled fans ng young actress na si Rhian Ramos. Ito pa rin ang mga galit na fans kuno ni Rhian na nagpapadala ng email sa entertainment press.

Lately nga lang, hindi na ito pinapatulan ng mga press na pinapadalhan nila—walang sumulat ng "bagong reyna ng GMA" email slant—at may nagtatanong na nga sa mga column nila na baka naman daw gawa-gawa lang ito ng GMA Artist Center for Rhian.

It was only when some writers asked that question in print nang bigla namang nagka-idea muli ang mga mapanirang email senders at "umamin" na gawa nga ito ng Artist Center at "napapag-utusan" lang sila. Curiously, never itong "inamin" noon or binanggit man lang.

NEW EMAIL. Isang email muli ang ipinakalat sa Internet in a more malicious tone openly accusing Ida Henares, GMA Artist head, and Jenny Donato, event and publicity specialist, na ang dalawa raw ang nagpapatakbo nito at kaya lang nila ginagawa ay dahil binabayaran sila.

The email reads in full with the heading "Ang Katotohanan Sa Mga Mga Gimik Ni Rhian Ramos At GMA Artist Center."

"Nais kong iparating sa lahat na totoo ang ILAN sa hinala ng mga entertainment press na ang mga email na ipinadadala sa mga writers ay scripted at pakana ng kampo ni Rhian upang mapagtakpan ang ilang issue at para na rin mapag-usapan palagi si Rhian.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit ko isinisiwalat ang mga ito? Simple lang po, hindi sila tumupad sa mga pinangako nila. Patuloy sila sa pag-uutos sa amin ng kung anu-ano, pero mag-aapat na buwan nang hindi nila binibigay ang ipinangakong bayad.

"Nagtataka rin siguro kayo kung bakit kami pinagkakatiwalaan ni Mam Ida sa isang napaka-sensitibong bagay na katulad nito. Matagal na kaming nagtatrabaho para kay Mam Ida. Bago pa man siya maging Head ng GMA Artist Center noong 2002 ay nagtatrabaho na kami para sa kanila ni Sir Ronnie Henares. Kami ang mga palakpak at hatak crowd ng mga Primeline Inc. talents ni Sir Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinggil naman dito sa mga damage control at publicity emails for Rhian, nag-start kaming utusan ni Mam Ida last July 2007 lamang. Simula nang pumutok ang balita tungkol sa pag-iwan kay Rhian ng kanyang mga dating fans ay kinontrata kami ni Mam Ida at Jen Donato ng Artist Center para maging damage control kay Rhian sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga email sa mga writers. Ayon pa kay Mam Ida, ‘we can turn this bad publicity to our advantage.' Yan ang hindi ko malimutang reason ni Mam kung bakit kailangan naming gawin ito.

"Ngunit may isang pagkakataon noon na nautusan din ako na mag-email sa mga writers upang mai-link si Rhian Ramos kay Mark Herras. Ang dahilan ay upang mapagtakpan ang mainit na isyu sa kanila ni PJ Valerio. Ngunit hindi na ito ipinatuloy dahil hindi naging maganda ang reaksyon at pagtanggap ng fans nina Mark at Jennylyn [Mercado] kay Rhian.
May ilang issues din naman na hindi kami ang may gawa at talagang nangyari:

1. Nang lumabas ang isyu tungkol sa mga "kissing pictures" ni Rhian ay agad kaming pinatawag ni Jenny Donato. Doon ay nadatnan namin na pinagagalitan ni Mam Ida si Rhian. Naroon din ang kanyang ina. Narinig namin na pinapagalitan ni Mam Ida si Rhian at sinasabihan na "Stop seeing that guy." Hindi namin makalimutan ang sagot ni Rhian na magpahanggang ngayon ay isang palaisipan para sa amin, "I wanted to but I can't. He might destroy me. He knows something." Pagkatapos nun ay bigla kaming sinabihan ni Mam Ida na lumabas muna at tatawagin na lang kami at mag-uusap muna sila. Pagkatapos nilang mag-usap ay pinatawag na kami ulit ngunit napagdesisyunan na hayaan na lang mag-die down ang isyu at hindi na naming kailangang mag-send ng mga email.

2. Nang lumabas ang isyu hinggil sa paglalasing at pagwawala ni Rhian sa isang radio station ay tinawagan kami kaagad ni Jenny at sinabing may ipapakalat sa aming mga email. Ang email ay tungkol sa pagde-date ni Rhian at Jeremy (Marquez) sa Sucat. Ipinakakalat ito sa press upang mapagtakpan ang isyu ng pagwawala (ni Rhian) sa radio station. Makaraan ang 2 araw ay inutusan ulit kami na magpadala ng mga email at magpanggap na mga fans ni Rhian at ilagay na ginagamit ni Jeremy ang pondo ng BF sa kanyang pakikipag-date. Kailangan daw ay maging maingay at yung siguradong papatulan ng mga reporters ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

3. Ilang araw pa lang siguro ang nakakaraan ay nakatanggap ulit kami ng tawag kay Jen at sinasabing nag-backfire ang mga email at parang lumalabas na si Rhian pa ang nagkalat ng pakikipag-date niya kay Jeremy. Inutusan kaming mag-leak ng mga email sa writers linking Rhian kay Richard Gutierrez. Maganda raw ang pagkakataon dahil break na sina Richard at Georgina (Wilson). Kaya ang mga pagli-link kay Richard kay Rhian ay para patayin ang isyu kay Jeremy.

4. Kamakailan lang ay nakatanggap kami ulit ng tawag kay Jen at kinakailangan na naman daw naming magpadala ng mga email. Scripted ang nangyari kina Paolo Paraiso at Rhian Ramos. Sinadya nilang pumuntang magkasama sa Star Awards at pagkatapos ay gagawan namin sila ng isyu para mapatay ang isyu tungkol sa pagda-drop out ni Rhian sa school pati na ang pagkaka link nya kay Direk Michael Tuviera. Pinadalhan kami ng picture ni Jenny sa email at iyon daw ang ipakalat namin.

"Bukod pa sa mga iyan ay inuutusan din nila kami na magpadala ng mga impormasyon at email na laban kay Marian Rivera. Karibal daw kasi ito ni Rhian para sa Dyesebel.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit negative ang ibang isyu na ipinadadala namin kay Rhian. Dahil ayon kay Mam Yda, kung hindi ito negative, papatusin ba ito ng mga writers? At para rin hindi mapagdudahan ang kanilang kampo na source ng mga publicity para mapag-usapan at mapagtakpan na rin ang ibang isyu.

"Tatlo nga po pala kaming tagapagpakalat ng email, pero ako lang po ang humaharap kina Jenny at Ida.

"Hindi rin ba kayo nagtataka kung saan namin nakuha ang mga email address ng mga writers? Provided po lahat yan ni Jenny.

"Marlon Fabian"

Included in the email is Marlon's supposed cell phone number at email addresses ng mga reporters. For the first time, naglagay ng isang pangalan at isang cell phone number and supposed original sender. Halos lahat ng pinadalhan ng email ng nasabing Marlon, kinontak ang number niya ngunit wala ni isang sinagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JENNY'S SIDE. Dumiretso naman kami kay Jenny Donato ng Artist Center at pinabasa muna namin nang buong email sa kanya sa Station 168 Internet Café kanina, December 12, bago siya nag-react.

"Wala akong kilalang Marlon Fabian," straight to the point na sagot ni Jenny. "Walang lumalapit na fan or nagpapakilala sa akin na Marlon Fabian at walang mga ganyang situation na nangyari. Bakit hindi siya tumawag sa akin? Kung kausap ko siya, di dapat alam niya ang number ko? Magpakilala siya sa amin.

"Never akong dumiretso sa mga email addresses ng reporters. Ang mga publicists lang ng GMA Artist Center ang alam ko kina Walden Belen, Nene Riego, at John Fontanilla at yung iba na nanghihingi ng pictures. Some of the emails, hindi ko alam at hindi ko kilala. Yung iba, mga known publicists ng kabila [ABS-CBN], paano at bakit naman ako magkakaroon ng email addresses nila?

"May lalabas na statement ang GMA Artist Center about this, basically ito rin ang nakasaad. Para matigil na.

"May mga tumatawag sa amin na nabigyan din ng emails, sabi nila hindi nila matawagan ang number. Saka bakit ako, walang matanggap na email? Ako raw ang nagbibigay ng email ng mga reporters, email address ko wala sila? Kung totoo ito, di ba dapat i-cc mo yung pinapatamaan mo para alam naming nagpapadala sila sa inyo ng ganitong emails? Ako, sa inyo ko na lang din nalalaman na may bagong emails na naman.

"Never naming ginawa na maglabas ng negative publicity para lang pasikatin siya [Rhian]. Ang masasabi lang namin sa kung sino man ang gumawa nito, parang ang daming alam kunwari, pero mga hindi naman totoo," mariing sabi ni Jenny.

On a personal note, mali rin ang nickname na ginagamit kay Jenny dahil wala kaming kilalang tumatawag sa kanya ng "Jen." May mas kilala kasing Jen sa GMA-7 kung kaya't everyone calls her Jenny. Inconsistent ang email sa parteng ito, minsan tinatawag siyang Jenny at minsan Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin nang diretso si Jenny na hindi kaya ang dahilan ay dahil magkamag-anak nga sina Ida at Rhian, Ida being the maternal aunt of Rhian? Magkapatid si Ida at ang ina ni Rhian.

"Kahit na yun ang point of view ng maraming tao, kung ngayon pa lang, nakikitaan na siya ng mali [Rhia] kahit wala, di more so kung may gagawin nga sila? Hindi naman binibigyan ng too much priority ng GMA Artist Center si Rhian. Di sana ang dami niyang shows. Ang laki ng pagitan ng dalawa niyang magkasunod na shows [Lupin and My Only Love]," katuwiran ni Jenny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN