Bruce Quebral reveals his birthday wish

"Nagkakaintindihan po kami na dapat wala muna kaming commitment sa isa'tisa. Tutok po muna kami sa career and family dahil pareho kamingbreadwinner. Bata pa rin naman kami, I will just turn 26 sa birthdayko," says Bruce Quebral about the status of his relationship with Wendy Valdez.



Isa sa tinawag na "Yuletide Babies" ng Star Magic ang Pinoy Big Brother 2 ex-housemate na si Bruce Quebral. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bruce sa birthday presscon para sa December celebrators kaninang tanghali, December 13, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Wish daw ni Bruce sa birthday niya sa December 29 na mas maging stable na ang kanyang pamilya at magtuluy-tuloy na ang paggaling ng kanyang ina.

"May asthma po kasi si Mommy at thankful po ako ngayon na may kinikita na ako at naibibili ko na siya ng tamang medicine and food na puwede lang niyang kainin. Marami po kasing bawal na pagkain sa kanya," pahayag ni Bruce.

Last Sunday, December 9, ay nag-guest si Bruce sa sitcom ni Aga Muhlach na That's My Doc, kung saan gumanap siyang bading for the first time. Hindi ba siya nagdalawang-isip na gampanan ang naturang role?

"Hindi po, sure po naman ako sa sarili ko," diretsong sagot ni Bruce. "Natawa lang po ako nang nagte-taping na kami. Pero sabi po sa akin, i-enjoy ko lang yung character, i-acting ko na lang. Wala po akong ginayang kakilalang bading, inisip ko lang si Wendy [Valdez] kapag umaarte siya noong magkasama kami sa Margarita. Medyo po mahirap dahil ang haba ng eyelashes na ginamit ko at yung shoes na ipinagamit sa akin ng production, hindi nagkasya kaya nag-rubber shoes na lang ako. Size 13 po kasi ang size ng paa ko."

May two-year contract si Bruce sa Star Magic mula nang i-absorb ang contract ng mga PBB 2 ex-housemates from Dream Big Productions.

"Wala pa po akong regular show ngayon sa Channel 2, pero may mga TV guestings po ako—out-of-town shows with the PBB 2 housemates. Naghu-host ako sa mga malls to promote Kawasaki motorcycle," pagbabalita ng model-turned-actor.

Tinanong din namin si Bruce tungkol sa balitang may tampo raw sa kanila ni Wendy si Alfie Lorenzo. Pinadaan lang daw kasi nina Bruce at Wendy sa manager ng huli ang pasasalamat nila sa tulong sa kanila ng kolumnista at talent manager ni Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinuntahan na po namin ni Wendy si Tito Alfie at nagkausap na kami. Nag-sorry kami at nagpasalamat na sa kanya. Okay na po kami," sabi ni Wendy.

Kumusta naman sila ni Wendy, nanliligaw pa ba siya o sila na?

"Non-stop pa rin po ang panliligaw ko kay Wendy," pag-amin ni Bruce. "Pero nagkakaintindihan po kami na dapat wala muna kaming commitment sa isa't isa. Tutok po muna kami sa career and family dahil pareho kaming breadwinner. Bata pa rin naman kami, I will just turn 26 sa birthday ko."

Paano siya magsi-celebrate ng Christmas? Magkasama ba sila ni Wendy?

"Sa Cainta lang po kami, sisimba kami sa Midnight Mass sa December 24. Darating po ang mga relatives namin, mayroon pang manggagaling sa States at saka sa mga relatives namin from Pampanga and Laguna.

"Wala pa po kaming pinag-uusapan ni Wendy for Christmas. Pero siguro po, baka sa December 25 kami magkakasama dahil may Christmas party yata for us ang fans namin," lahad ni Bruce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN