Jolina Magdangal receives Gintong Kabataan Award from Bulacan

Jolina Magdangal shows off the Golden ArtistAward that she received from the FAMAS recently. This is just one of the threeawards that the young star received in November. These include the Best TalentSearch Host Award from the PMPC and the Gintong Kabataan Award from theprovince of Bulacan.



Jolina Magdangal, a native of Norzagaray, Bulacan, received three awards in November, which is her birth month. The young TVhost-actress turned 28 last November 6.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolinaover the phone para tanungin kung paano siya magsi-celebrate ng Christmas andNew Year. Binati na rin namin siya sasunud-sunod na awards na natanggap niya last month.

"Overwhelmed nga po ako nang makatanggap ako ng sulatmula sa Gintong Kabataan Award ng province of Bulacan," wika ni Jolens, angpalayaw ni Jolina. "Recipient dawpo ako ng award for being an outstanding artist and celebrity who hails fromthe province. Hindi po lamang iyon,pagkatapos kong tanggapin ang award last November 9, binigyan din nila ako ngstar sa Walk of Fame sa provincial capitol's Garden of Heroes andArtists."


Nasundan raw iyon ng Best Talent Search Host Award by the Philippine MoviePress Club (PMPC) kasama ang mga co-hosts niya sa StarStruck na sinaDingdong Dantes at Raymond Gutierrez last November 18. Kung matatandaan, minsanna rin siyang tumanggap ng Darling of the Press Award mula saPMPC. At noong November 25, tinanggapdin niya mula sa FAMAS ang Golden Artist Award, which is given to Filipino artists withoutstanding achievements not only in entertainment but also in other fields.

"Sa huling award po na natanggap ko, naisip ko na sakabila ng kaguluhan at intrigang kakabit ng showbiz, ang mga artistangnagsikap, naging magandang example sa mga tao at naging professional sakanilang trabaho ay napapansin din at nabibigyan ng tamang recognition. Kaya thankful po ako sa lahat ng mgatumulong at sumuporta sa akin simula pa nang pasukin ko ang showbiz, tulad pong mga TV networks, movie companies, recording companies, award-giving bodies,concert producers, advertisers at sa mga fans. Kung hindi po sa inyong lahat, hindi po ako makikilala, wala po akorito," taus-pusong sabi ni Jolina.

Paano niya isi-celebrate ang Christmas and New Year? Kasamaba niya ang boyfriend niyang si Atty. Bebong Muñoz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkasama po kami niBebong sa Noche Buena sa bahay namin, pagkatapos sa kanila naman kami pupuntapara makasama ang parents niya. Ganoondin po sa New Year's Eve, magkasama rin muna kami ni Bebong sa bahay namin,tapos sa kanila. Tradition na po kasisa family namin na salubungin ang New Year na magkakasama, kaya hindi po akotumatanggap ng trabaho, kahit po iyong countdown ng GMA-7, hindi akosumama."

Nang tanungin naman siya tungkol sa regalo niya sa kanyangnobyo, secret daw ito.

Ano ang mga plano ni Jolens for 2008? "Magkakaroon poako ng shows sa San Francisco, Los Angeles and San Diego, California, saFebruary, Fina-finalize na po lamang namin ang ilang pang details ng show. Iyonpo, inaayos na rin ang gagawin kong movie to be shot abroad sa first quarter of2008. Magiging co-producers po kasi dito ang ilang business conglomerates kayakailangan po ay maayos ang lahat. Saka ko na lamang idedetalye ang lahat kapagplantsado na ang ready na kaming mag-shoot.

"Bago po ang shooting ko, may full-launching ako ase-Bay Style Ambassador. Ang e-Bay po ay isang online trading site sa Internetna puwede kayong bumili o magbenta ng mga gamit ninyo, brand new or second hand.Ipapasok ko po rito ang Jolina's Fashion Gallery ko and hopefully, magustuhannila lahat ng mga products na ibebenta ko. May mga bago rin po akongendorsements na lalabas sa 2008."

Hindi kaya dahil sa sobrang busy na naman niya, malimutan naniya ang pagpapakasal nila ni Bebong?

"Basta po darating iyon. Nagkakaintindihan po kami niBebong na kailangang maging financially stable muna kami bago pasukin angpagpapamilya. 'Saka kasisimula pa po lamang ni Bebong sa kanyang trabaho lastmonth at doon din po muna siya naka-focus. What's important, may time na kamisa isa't isa ngayon, hindi tulad noong nasa New York siya at nandito ako saPilipinas. Ang totoo po, ngayon lamangnamin fully nai-enjoy ang pagiging mag-sweetheart," pagbabahagi ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN