Matt Evans laughs off rumored split with girlfriend Olyn Membian

"I'm very happy po with Olyn [Membian, left] pero kunwari nga mag-split kami, baka si Melissa [Ricks, right] nga ang ligawan ko," says Matt Evans (middle).



Bagay kay Matt Evans ang hairstyle niya ngayon na long and semi-straight—totally different sa kinky hairstyle sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition.

Kuwento ni Matt sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ito raw talaga ang tunay niyang buhok, pero may kulot pa rin na konti. Pina-kinky lang daw ang buhok niya sa PBB para magkaroon siya ng character.

Matt is being introduced sa "Engkanto" episode ng Shake, Rattle & Roll 9. He celebrated his birthday last month. In the past press cons, may gusto kaming itanong sa kanya na galing sa fans nila ni Melissa Ricks. Ipinadala sa amin ito through PEX and we promised the email sender to ask Matt about it.

Kaso, in the said presscons, either na hindi namin nakakausap si Matt nang sarilinan o kung hindi naman ay maaga siyang umaalis. Nagkaroon kami ng pagkakataon na matanong si Matt sa Christmas party ng Regal Films last Saturday, December 15, sa Valencia compound.

Katabi ng kanyang handler sa Star Magic habang kumakain, kinumusta muna namin si Matt and his girlfriend Olyn Meimban.

"We're okay po, one and a half years na kami," sagot ni Matt between bites.

Ikinuwento namin kay Matt ang gist ng email sa amin ng kanilang fan. Diumano, split na raw talaga sila ni Olyn pero keeping up a face lang sila. Olyn was even quoted as saying na kung mag-i-split sila ni Matt, she would be happy kung si Melissa ang magiging next girlfriend ni ng binata.

Tawa nang tawa si Matt habang sumasagot.

"Hindi po totoo yun, na split na kami. No idea po where it came from," sabi ng binata.

"Hindi ko rin po alam kung talagang may sinabing ganoon si Olyn, pero if ever totoo yun, puwede niya naman talagang sabihin kasi super friends sila ni Melissa. Pinagkakatiwalaan niya po si Melissa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, priority ni Olyn ang pagiging SK chairman sa kanilang barangay sa Project 8 kung kaya't hindi siya masyadong visible sa TV.

Tinanong namin si Matt na kung mag-split nga sila ni Olyn, liligawan niya kaya si Melissa?

"I'm being honest po, siguro oo," sagot niya. "I'm very happy po with Olyn pero kunwari nga mag-split kami, baka si Melissa nga ang ligawan ko. Pero talaga lang, wala naman po akong balak na makipaghiwalay kay Olyn at friends kami ni Melissa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN