Coco Martin campaigns for Grace Poe

Apr 21, 2016
<p>Coco Martin campaigns for Sen. Grace Poe in Bacolod this Thursday, April 21. Spokesperson of the senator said Coco did it for free.</p>

May napili nang kandidato ang Kapamilya actor na si Coco Martin ngayong 2016 presidential election.

Ito ay si Senator Grace Poe, anak ng co-star ni Coco sa FPJ's Ang Probinsyano na si Susan Roces.

Ngayong Huwebes, April 21, nagpadala ng ilang larawan ang kampo ng senadora sa PEP para sa ginawang pangangampanya ni Grace sa Bacolod.

Makikita sa mga larawan na kasama ng presidential candidate si Coco.

Continue reading below ↓

Naglibot din sina Grace at Coco sa nasabing probinsiya, gaya ng paggi-guest sa isang local radio program at campaign rallies.

Continue reading below ↓

Inaasahan ding didiretso ang kampo ng senadora, kasama si Coco, sa Palawan upang samahan ang kanyang running mate, ang vice presidential candidate na si Sen. Francis “Chiz” Escudero, ayon sa ulat ng Inquirer.net.

Sinabi rin sa ulat na naniniwala si Coco sa ipinaglalaban ni Grace.

Wala rin daw bayad ang pangangampanya ni Coco para sa senadora.

“Coco Martin is doing it without any compensation because he believes in what Senator Poe is fighting for — ending poverty and unemployment,” text message umano sa Inquirer ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian at spokesperson ng senadora.

Continue reading below ↓

Noong September 2015, sinabi ni Coco na hindi pa siya makapagdesisyon kung susuportahan niya si Grace.

Ito ay sa kabila ng pagiging malapit nila ng ina ng senadora.

Paliwanag ng aktor, kailangan muna niyang malaman ang plataporma ng presidential candidate bago niya ito suportahan.

Sabi pa ni Coco, ayaw niyang tumulong dahil lang kaibigan niya ang kumakandidato.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng Kapamilya star na gusto niyang gamitin ang kanyang impluwensiya para sa ikabubuti ng nakararami.

Read: Coco Martin wants to know Grace Poe's platform first before supporting her candidacy for President

(Note: Photos courtesy of Sen. Grace Poe's campaign manager and Sen. Grace Poe's Facebook account.)

Read Next
Read More Stories About
Coco Martin
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Coco Martin campaigns for Sen. Grace Poe in Bacolod this Thursday, April 21. Spokesperson of the senator said Coco did it for free.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results