Ruffa Gutierrez keeps communication with Yilmaz Bektas open

"I want them growing up knowing na talagang pantay-pantay tayong lahat sa mata ng Diyos," says Ruffa Gutierrez about daughters Lorin and Venice.



No show ang beautiful daughters ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice sa Christmas party ng Gutierrez Family para sa entertainment writers noong December 18 sa Imperial Palace Suites.



"Si Lorin saka si Venice, tulog na. Baka next year kasali na sila," paliwanag ni Ruffa, na sinabing ang tanging nagpapatibok sa puso niya ngayon ay ang kanyang mga anak.



For the sake of her kids, kahit "super kulit" ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama na palitan na ang kanyang cell phone number para hindi na siya maistorbo ni Yilmaz Bektas ay ayaw talaga ni Ruffa itong palitan. Gusto kasi ni Ruffa na magkaroon pa rin ng communication sa ama ng kanyang mga anak.

"Mabuti na 'yong may communication kami kahit na masama," sabi ni Ruffa. "Mahirap din kasi ang masyadong tahimik, e, so I wish to continue with the communication with the father of my children para at least maayos na."



Hindi pa nakakatanggap ng Christmas gifts ang mga bata mula sa kanilang ama at kung sakaling magpapadala ito ay tatanggapin naman daw ito ni Ruffa.



"Tatanggapin ko, why not?" sambit niya. "Mature naman ako, I'm responsible. So, ayoko naman siyang awayin."



Inamin din ni Ruffa na palaging tumatawag sa kanya si Yilmaz, pero hindi raw ito bumabati ng "Merry Christmas" sa kanya at sa kanilang mga anak.



"Hindi naman sa bawal kina Yilmaz dahil isa siyang Muslim. He believes in Christmas, he believes in New Year. Pero sa ngayon kasi, masyadong pang complicated ang situation namin," esplika ng actress-TV host.



LORIN & VENICE. Pagadating sa charity works, naniniwala ang aktres na mas importante ang mamigay kung mayroon dahil ang kapalit daw na bumabalik ay sampu-sampu. Ito raw ang itinuturo sa kanya ng kanyang magulang kaya naman in return, itinuturo rin niya ito sa kanyang mga anak.



"Kunwari, I have shooting for Desperadas kaya wala ako sa World Vision to turn over yung na-raise namin for Rampa For A Cause. So since wala ako, ang representative ko, 'yong dalawang bagets [Lorin and Venice]. So, sila ang nagbigay. At least, alam nila na you have to help and sa kanila naman, lahat ng bata ay pantay-pantay. So I want them growing up knowing na talagang pantay-pantay tayong lahat sa mata ng Diyos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tungkol naman sa pagpasok ng mga anak sa showbiz at kahit na ang pagsali sa beauty contest ay hindi raw papayagan ni Yilmaz, ayon kay Ruffa.



"Gusto ni Yilmaz na maging doktor si Lorin at saka si Venice, maging lawyer. So, tingnan natin kasi wala sa plano talaga dahil ayaw niyang [Yilmaz] magsuot ng bikini 'yong dalawa," aniya.



Pero kung si Ruffa ang masusunod, payag siyang pasukin ng dalawa niyang anak ang showbiz kung gugustuhin daw ng mga ito dahil in the first place, showbiz kids naman talaga sila. Pero hanggang maaari raw ay gusto ni Ruffa na makapagtapos ang mga anak niya ng pag-aaral.



"Well, I will support them for as long na sundin ang mga rules sa bahay. Yung una, mag-aral silang mabuti. Yung pangalawa, dapat maganda ang grades nila," pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN