FHM 2008 calendar girls Katrina Halili and Cristine Reyes now on better terms

Cristine Reyes (left) and Katrina Halili (right) pose for photographers during their autograph-signing session for the 2008 calendar of FHM in Robinson's Galleria last night, December 19.


Dinagsa ng maraming kalalakihan ang autograph-signing session ng FHM 2008 calendar girls na sina Katrina Halili at Cristine Reyes. Masaya ang pakiramdam ng dalawa sa mainit na pagtanggap ng mga tao kagabi, December 19, sa Movieworld ng Robinsons Galleria mall sa Ortigas Center.

Kuwento ni Katrina, nag-diet pa raw siya para sa calendar shoot na ito. Hindi rin niya nakakaligtaan na pumunta sa Belo clinic para magpa-slimming treatment upang ma-maintain ang kanyang sexy na katawan. Si Cristine naman ay pumupunta sa Red Corner Gym at nagba-boxing upang makakuha ng complete workout para sa kanyang sexy figure.

Kitang-kita rin na maganda ang pakikitungo ng isa't isa. Matatandaan na nagkaroon ng kaunting tampuhan ang dalawa noong kalagitnaan ng taon.

Banggit ni Katrina, "Wala na po yung inggitan. Dala lang po ng pagkabata iyon. Kahit yung mga magkakapatid, nag-aaway din. So, ano lang yun, tampu-tampuhan. Okay naman kami."

"Away-bata lang," dagdag ni Cristine.

"Nabigyan lang ng isyu kasi nga hindi kami nag-uusap dati po. Hindi kami nagkakasama sa show. 'Tapos siyempre, wala lang yun," sabi ni Katrina.

"Hindi kami magkaaway ni Katrina. We're like sisters," sagot naman ni Cristine.

Dagdag pa ni Cristine, "Siyempre, andito ako sa likod niya. Kung merong problema or something. Pero actually, siya yung laging concerned sa akin.

At wish naman ni Katrina, para sa kanilang dalawa, " More work. Good projects. At siyempre, good health para sa aming dalawa. More success."

NO ISSUE WITH MARIAN. Nabanggit din ni Katrina na away-bata lang din ang nangyari sa kanila ng kanyang co-star sa Marimar na sa Marian Rivera.Malaking gulat ni Katrina na malaman niya na naging usap-usapan yung namagitan sa kanila ni Marian.

"Wala namang issue. At saka tigilan na yung mga ganoong isyu," sabi ni Katrina. "Okay kami. Basta nagtatrabaho kami nang maayos. Pagagandahin namin yung mga show para sa mga tao. Walang away. Wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanong ng marami ay kung nagkausap nga ba silang dalawa ni Marian.

"Hindi kami nag-usap," pag-amin ng young sexy actress. "Basta isang araw na lang dumating kami sa taping, wala lang. Basta hindi ko alam. Ayoko na, tama na. Pero wala talaga kaming away talaga dati. Wala naman talaga. Siguro, hindi lang kami nag-uusap talaga. Siyempre, mga bata pa yung mga isip namin, di ba? Bata pa yung mga isip namin. Siguro yung isa, hindi lang mapansin yung isa, magre-react na.

"E, ngayon, tama na. Basta... E, kahit naman nangyari ‘yon, tuloy-tuloy ang trabaho namin saka hindi naman naapektuhan. Pero wala namang away sa amin. Okay kami," giit ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN