Ara Mina says she has nothing to do with Nadia-Rochelle issue

"Wala naman talaga akong ginagawang masama. I don't need to explain anything to anyone," says Ara Mina about being pinpointed as the one who spread the rumor about the "affair" of Nadia Montentegro (inset, below) and the husband of Rochelle Barrameda (inset, top).



Kakauwi lang ng sexy actress na si Ara Mina from Guam kung saan nag-show siya roon kasama ni Willie Revillame. Pagdating niya ay hinarap na niya agad ang mga intrigang kinasangkutan niya habang wala siya sa bansa.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Ara na natatawa nga siya dahil umalis daw siya na wala siyang alam na kontrobersiya, pero pag-uwi niya ay patung-patong na ang mga intriga tungkol sa kanya.



Una na rito ay ang pagkakasangkot ng pangalan ni Ara sa pagkalat ng text message tungkol sa relasyon diumano ni Nadia Montenegro sa mister ni Rochelle Barrameda na si Jimwell Stevens. Bagama't hindi naman binanggit ni Nadia kung sino ang pinaghihinalaan niyang nagkalat ng malisyosong text message, naka-pinpoint kay Ara ang sisi dahil iilan lang daw silang nasa bar ni Rochelle noong gabing mangyari ang diumano'y kumprontasyon sa pagitan nina Rochelle at Nadia.



Paliwanag ni Ara, "Nakakapagtaka naman na ako pa ang naisip ng iba na nagkalat ng text message na ‘yon. Unang-una, hindi ko gawain ang manira ng ibang tao. Wala akong ganyang record. ‘Tsaka, close ako kina Rochelle at Jimwell. Kumpare ko si Jimwell at si Rochelle, matagal ko nang kilala. So, hindi ko kayang gawin ang ganun sa kanila. Pero nagpapasalamat ako kay Rochelle kasi ipinagtanggol niya ako sa isang interview niya. Sobrang kilala ako ng mag-asawang ‘yan kaya alam nila kung ano ang ugali ko.



"As for Nadia, kaibigan ko naman siya, pero we don't see naman each other parati. Kapag may gathering lang ng barkada, doon lang kami nagkikita at nagkukumustahan. Pero hindi ko gagawin ang manira ng ibang tao or magtsismis ng kung anu-ano. Hello, ang dami ko kayang ginagawa ngayon? Unahin ko pa ba ang magkalat ng kung anu-anong text message?"



Nakasira kaya ang paghinala na ito sa barkadahan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko pa kasi nakikita or nakakausap si Nadia. Pero si Rochelle, nagkausap na kami. Wala naman akong nare-receive na text or tawag from Nadia, e. But I think hindi naman because wala naman talaga akong ginagawang masama. I don't need to explain anything to anyone," pahayag ni Ara.



NO TO MOTHER ROLE. Isa pang intriga kay Ara ay ang pagtanggi raw niya sa mother role sa sisimulan na primetime drama sa GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Nabalita kasi na she turned down the offer to play JC de Vera's mother. Pero paliwanag ni Ara na naintindihan naman daw siya ng GMA-7 kung bakit hindi niya tinanggap ang role.



"Yeah, it's true na I turned down the mother role," pag-amin niya. "Kasi naman, ilang taon lang ba si JC? Hindi sila nagkakalayo ng edad ni Polo [Ravales, Ara's ex-boyfriend]. Baka naman sugar mommy ang labas ko, di ba?"

Patuloy niya, "Noong mag-meeting nga kami, sinabi ko naman ‘yan and I turned it down nicely. Hindi yung nagalit ako or nagtampo. Naintindihan naman din nila, kasi nga, para hindi rin daw awkward tingnan.



"Payag naman ako sa mother role kung mga 12 years old or kahit mga 15 years old. Pero sa edad na 20-plus, parang hindi pa yata bagay sa akin. Hindi sa nagiging choosy ako, pero kung tanggapin ko kasi ‘yan, baka by age 30, lola roles na ang ibigay sa akin!" tawa niya.



Ayon pa kay Ara, "So they understood naman at nag-apologize pa nga sila [GMA-7] sa akin for offering me that role. Sabi naman nila, isasama pa rin ako sa show pero magdadagdag na lang sila ng character na babagay sa akin. Hindi pa naman kami nagmi-meeting ulit kaya wala pa akong alam kung ano na ang nangyari."



PEACE AT LAST.
Binanggit din ni Ara na okay na sila ng leading man niya sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Anak ng Kumander na si Manny Pacquiao. Tapos na raw ang lahat ng intriga sa kanila at nag-sorry na raw sa kanya si Pacman sa lahat ng mga pinagdaanan niyang gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Mabait naman si Manny, e. Siguro naguluhan lang siya kasi dalawa ang hinalikan niyang babae sa movie namin!" sabay malakas na tawa ni Ara."

"Ngayon kasi, tapos na ako, si Valerie [Concepcion] naman ang naiintriga sa kanya. Sabi ko nga kay Manny, showbiz na showbiz na talaga siya kasi kung kani-kanino na siya nali-link. Pero mukhang enjoy siya!" tawa niya ulit.



Okay lang din daw kay Ara na magkaroon ng Part 2 ang Anak ng Kumander. Basta huwag lang daw ulit silang maintriga ng sobra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN