Mart Escudero on Jennica: "Maganda nga ang chemistry namin."

Mart Escudero calls himself a "Horror Prince" because his first three movie projects are all horror flicks—Hide and Seek, Shake Rattle and Roll 9, and Kulam.


Sa Starstruck Batch 4, masasabing pinakamasuwerte sa projects si Mart Escudero, ang nanalo ng titulong Ultimate Loveteam kasama si Kris Bernal. Una siyang nakita sa primetime TV through the defunct soap opera ng GMA-7 na Impostora. Ngayon ay tatlo naman ang regular TV shows niya—ang Pasan Ko ang Daigdig, SOP at Boys Nxt Door.

Sa movies naman, si Mart din ang may pinakamaraming nagawa so far. Na-introduce siya sa box-office horror flick na Hide & Seek, opposite ng kanyang bagong loveteam na si Jennica Garcia. Kasama rin siya sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll 9 ngayong Metro Manila Film Festival. Next year naman ay nasa suspense thriller film siya with Judy Ann Santos and Dennis Trillo sa Kulam. Si Kris Bernal naman ang makakapareha niya rito.

"Napapansin ko nga na puro horror movies ang ginagawa ko," ang nakangiting sabi ni Mart. "Okey lang kasi yun daw ang mga kumikita ngayon. Tawag na nga sa akin, 'Horror King'. Sabi ko naman, huwag naman Horror King. Horror Prince muna kasi nagsisimula pa lang ako."

Mas nag-click nga ang team-up nila ni Jennica at mukhang tanggap naman siya ng ina ng dalaga, si Jean Garcia. Sa launching film nga ni Jennica sa Regal Entertainment ay malamang na siya rin ang kuning leading man.

"May nagsabi na rin po sa akin tungkol diyan. Okey lang kasi maganda nga ang chemistry namin ni Jennica. Nagkasundo kami kaagad. In regards [sic] kay Tita Jean, nagpapasalamat ako sa kanya kasi pinagkatiwala niya si Jennica sa akin. Sa totoo lang, may takot pa rin ako kay Tita Jean kaya wala akong gagawin na masama kay Jennica," ang sabi ni Mart.

Pagdating sa trabaho, puro puri ang masasabi ni Mart tungkol kay Jennica.

Aniya, "Sana nga po matuloy ang launching film ni Jennica. She deserves it kasi magaling talaga siyang umarte. Focused kasi si Jennica sa career niya kaya kapag umaarte siya, mapa-drama or comedy, bigay-todo siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ba ang Christmas gift niya kay Jennica?

"Secret!" sabay tawa nito. "Noong nag-debut nga siya kelan lang, secret din ang naging regalo ko sa kanya. Walang nakaalam. Ngayong Pasko, hindi ko rin ipapaalam. Gusto ko na kami lang dalawa ang nakakaalam ng ireregalo namin sa isa't isa."

Ang tambalan kaya nila ay mauwi sa real-life romance? Tignan natin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN