Ronnie Liang invests earnings in family home and business ventures

The Pinoy Dream Academy second runner-up is scheduled to hold his birthday cum Valentine concert on February 2, 2008, at the Metro Bar in West Avenue Quezon City. He plans to gather all fellow scholars for a night of reunion.


Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie Liang, ang second runner-up ng Pinoy Dream Academy, sa J's Coffee Shop on Timog Avenue in Quezon City last Friday, December 21, nabanggit niyang pinakamasaya na niyang Pasko ang 2007.

"Naging very blessed po ako this year after winning [in] the PDA last December 16, 2006," sabi ni Ronnie. "At masaya po ako dahil isa-isa nang natutupad ang aking mga dreams. Kung dati po ay ninenerbyos kami ng aking family tuwing may kakatok sa aming pintuan at sasabihing umalis na kami sa tinitirahan naming bahay, ngayon po ay palagay na ang loob namin.

Masaya niyang ibinalita na may naipundar na siya mula sa kanyang mga initial income as a singer and budding actor.

"Mula po sa naipon kong kita this year, nakabili na ako ng 400 sq. m. lot sa Angeles, Pampanga, malapit po lamang doon sa aming tinitirahan ngayon. Worth one million po ang lot na binayaran ko ng cash, mahirap po kasi na may utang.

"Kung paalisin nila kami ngayon, mangungupahan po muna kami habang tinatapos ang ipinatatayo kong bahay. Iyon po kasi ang ang inuna kong ipundar, ang sakit po sa loob iyong pinalalayas ka sa bahay na wala ka namang alam na lilipatan," kuwento ng singer.

Thankful si Ronnie na after nilang mag-graduate sa PDA, nagkasunud-sunod ang mga shows nila here and abroad. May solo album na siya sa Universal Records, at nasubukan na rin niyang umarte sa Your Song ng ABS-CBN. Regular din siyang napapanood every Sunday sa ASAP '07, na bukod sa pag-awit ay isa na rin siya sa mga nagho-host ng show with Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, among others.

Nang tanungin siya tungkol sa mga plano niya for year 2008, positibo ang naging sagot ni Ronnie.

Aniya, "Naniniwala po ako na sa pagpasok ng 2008, may mas magagandang mangyayari sa career ko. Totally na kaming hawak ng Star Magic at may mga shows na pong inaayos para sa amin sa 2008. Itatayo ko na rin po ang Belgian Waffle store, isa sa prizes ko sa PDA, at ilalagay po namin ito ng mga kapatid ko, na siyang magma-manage, sa pagitan ng Holy Angels University at Angeles University Foundation sa Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Balak po rin naming lagyan ito ng Internet cafe. May nakuha po kaming lote roon at siguro, lalagyan din namin ito ng iba pang puwedeng itinda, like iyon pong mga prepaid cards ng cellphone," ang sagot ni Ronnie.

Nagbigay rin siya ng detalye tungol sa mga buena mano projects niya sa parating na taon.

"Sa January 5, kakanta po kami nina Christian Bautista ng theme song ng MMFF [Metro Manila Film Festival] awards night. At excited po ako dahil special guests din po kami nina Christian at Gian Magdangal sa solo concert ni Lani Misalucha sa Function 5 sa second level ng Convention Center sa SM Mall of Asia, pagkatapos ng awards night.

"Sa January 31, 2008 po ang 23rd birthday ko pero sa February 2, 2008, ang birthday at Valentine concert ko sa Metro Bar in West Avenue, Quezon City, entitled 'Valentine With A Prince.'

"Special guests ko po sina Jed Madela, ang mga co-PDA ko na sina Yeng Constantino, JayR Siaboc, RJ Jimenez, Irish Fullerton, Geof Taylor, Chad Peralta [na kumuha ulit ng working visa para maituloy niya ang work niya rito], Panky Trinidad at Eman Abeleda. Kinu-contact ko rin po si Davey Langit, para maging reunion din namin ito ng mga PDA finalists. Si Victor Felarca ang magdidirek at ipapa-video po namin ito dahil may producer na gustong mapanood ito at dadalhin daw nila sa States," ang tila walang preno niyang kuwento.

Saan naman magsi-celebrate ng Christmas and New Year si Ronnie?

"Uuwi po ako bukas [December 22] sa Angeles kasi taped na po ang ASAP '07 namin ng Sunday. Sama-sama po kaming sisimba ng buong pamilya, iyon po ang yearly tradition namin, simple lamang, bigayan ng gifts. Babalik po ako ng Manila ng December 27, pero babalik din ako sa Angeles for the New Year. Hindi ko po sure kung may work ako ng January 1, sabi po nila baka kasama kami sa New Year's countdown. Naka-stand-by po lamang ako, pero sama-sama pa rin kami ng family ko sa New Year," ang pagwawakas ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN