"Anak ng Kumander" director cuts Valerie Concepcion's kissing scene with Pacman

"Kung talagang may reklamo siya at hindi niya gusto yung eksena namin,nagsabi sana siya agad. Maiintindihan ko naman ‘yon. Hindi yung idadaanpa niya sa media at doon siya umiiyak," says Direk Kaka Balagtas about Valerie Concepcion's (in photo) outburst on national television regarding her kissing scene with Manny Pacquiao.



Dahil sa nilikhang ingay ng kampo ni Valerie Concepcion tungkol sa kissing scene niya with Manny "Pacman" Pacquiao sa pelikulang Anak Ng Kumander, minabuti ng direktor nitong si Jose "Kaka" Balagtas na tanggalin na lang ang naturang eksena sa final cut.



Sabi ni Direk Kaka, pagkatapos kinunan ang kissing scene nina Valerie at Manny, wala naman daw siyang narinig na reklamo mula kay Valerie. In fact, nagbibiruan pa nga raw sila ni Manny before and after makunan ang eksena. Kaya takang-taka si Direk Kaka kung bakit nag-iiyak si Valerie sa TV at tila ang direktor pa ang sinisisi.



"Nagpasabi na lang sana siya at nagawan ng solusyon ang problema niya, kung problema nga ‘yong matatawag," diin ni Direk Kaka sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kung talagang may reklamo siya at hindi niya gusto yung eksena namin, nagsabi sana siya agad. Maiintindihan ko naman ‘yon. Hindi yung idadaan pa niya sa media at doon siya umiiyak. Matino naman kaming kausapin. Huwag naman sana nilang palabasin na binastos namin siya."



Hindi tuloy maiwasang sabihin ni Direk Kaka na gumagawa lang ng ingay ang kampo ni Valerie para ito mapansin. Sa totoo lang naman, iilan lang kasi ang may alam na kasama pala si Valerie sa movie.



"Ang hindi maganda ay yung pati mabait na misis ni Manny na si Jinky ay idinamay nila. Kung galit sila sa akin, sa akin na lang at huwag na silang mandamay ng ibang tao. Para tuloy ginagamit nila si Manny sa ganyang paraan.



"Kung sabagay, sino ba ang sikat between Manny and Valerie, di ba? Kaya para di na humaba ang usapan na ito, tinanggal ko na lang ang eksenang ‘yon. Para wala na silang mapag-usapan pa at may mga madamay na mga inosenteng tao," pagtatapos ni Direk Kaka.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN