Ogie Alcasid posts meaningful message for netizens supporting different candidates

Apr 21, 2016
<p>Ogie Alcasid on the May 2016 elections: "Suportahan natin ang sino mang piliin ng nakararami. Ipagpatuloy ang demokrasya sa pagpapahayag upang iwasto ang mali. Higit Sa lahat, sundan natin ang utos ng ating Diyos Ama na mahalin natin ang ating kapwa- k

Nagpahatid ng mensahe ang singer-comedian na si Ogie Alcasid sa mga netizen na hindi nagkakasundo dahil sa kani-kanilang opinyon kung sino ang mga nararapat na iboto ngayong May 2016 elections.

Habang papalapit ang eleksiyon, painit din nang painit ang diskusyon sa social media tungkol sa mga kandidatong sinusuportahan ng netizens.

Dahil dito, hindi maiwasang magkaroon ng di pagkakaunawaan maging ng mga magkakaibigan sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Pahayag ni Ogie sa Instagram, “Marahil, Kaya tayo di magkasundo Sa ngayon tungkol sa usapin ng eleksyon ay dahil sadya tayong magkakaiba.

“Magkakaiba tayo ng opinyon, mga karanasan, kalakhan at maging paraan ng pananampalatatya.

“Subali't Sa kabila nitong lahat, mayroong nagbubuklod sa ating lahat — tayo ay nilikhang magkakapatid.

“Maaari kaya na pagkatapos nito, magkapatawaran tayo sa isa't isa at magkasundo alang alang sa ating kapatiran? Yan siguro Ang maaari nating iambag para sa kinabukasan ng ating mga anak at ating Inang Bayan.

Continue reading below ↓

“Suportahan natin ang sino mang piliin ng nakararami.

“Ipagpatuloy ang demokrasya sa pagpapahayag upang iwasto ang mali.

“Higit Sa lahat, sundan natin ang utos ng ating Diyos Ama na mahalin natin ang ating kapwa- kasundo man o kaaway.

 “Magandang araw sa inyo mga kapatid.”

#kapatiran #pagkakaisa #kapatawaran #pagmamahal

A photo posted by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Ogie Alcasid on the May 2016 elections: "Suportahan natin ang sino mang piliin ng nakararami. Ipagpatuloy ang demokrasya sa pagpapahayag upang iwasto ang mali. Higit Sa lahat, sundan natin ang utos ng ating Diyos Ama na mahalin natin ang ating kapwa- k
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results