Former President Joseph Estrada plans to do comedy movie

Former President Joseph "Erap" Estrada would do a comedy film instead of his usual genre, action movies. He reasoned, "Ngayon madami ang naghihihrap na tao, umiiyak na sila sa kanilang sariling bahay, huwag na nating paiyakin sa sine." His comeback movie might co-star him with comedienne Ai-Ai delas Alas (inset).


Matapos ang halos mahigit isang dekada ng pagkawala sa industriya, muling nagbabalak si dating President Joseph "Erap" Estrada na gumawa ng pelikula.

Sa radio interview niya sa dzMM radio program na Tambalang Failon at Sanchez, sinabi ng dating pangulo na marahil ay gumawa siya ng pelikula sa movie outfit ng ABS-CBN, ang Star Cinema.

Aniya, "Iyan ang pinag-iisipan ko at number one producer ngayon ang Star Cinema, doon ako, pinag-aaralan kong mabuti na baka ako ay lumabas sa [pelikula]."

Biro pa ni Erap, kaya niya balak magbalik-pelikula ay matagal na siyang walang hanapbuhay. "Oo, dahil wala na akong pera, anim na taon at anim na buwan akong walang income, nakakulong, siguro kailangan kong maghanapbuhay na," wika ni Erap.

Gayunman, hindi naman inaalala ng dating pangulo ang magiging talent fee niya. Sa katunayan, sinabi pa niya, "Bahala na, mapag-uusapan naman 'yon."

Sa kabilang banda, sinabi ni Erap na maaaring sa kanyang pagbabalik ay isang comedy film ang kanyang gawin. Paliwanag ng dating pangulo, "Dahil ngayon madami ang naghihihrap na tao, umiiyak na sila sa kanilang sariling bahay, huwag na nating paiyakin sa sine. Kailangan patawanin, kailangan siguro ay comedy. Mahirap na umiiyak na sa bahay nila, sa sinehan, pagdating sa sinehan ay paiiyakin pa natin, e, kawawa naman."

Dagdag pa ni Erap, "Comedy ang gagawin namin para walang romance-romance diyan."

Ayon sa dating pangulo, ang binabalak na pelikula ang makapagsasabi kung may mga susuporta pa sa kanya bilang aktor. Aniya, "Iyon nga ang makikita natin kung puwede pa tayo sa pag-aartista. Diyan naman tayo nanggaling."

Sa huli sinabi ng dating Pangulong Estrada na kung matutuloy ang kanyang comeback movie, gusto niyang makasama ang Comedy Queen ng ABS-CBN na si Ai-Ai delas Alas. "Oo, iyong number one din ngayon, si Ai-Ai delas Alas, comedy," pahayag ni Erap.

Matatandaan na noong taong 2001 ay nakulong ang dating pangulo dahil sa plunder na naisampa laban sa kanya, kasama ang anak na si Senator Jinggoy Estrada. Ngunit noong September 12, 2007, tanging si Erap lamang ang nahusgahang guilty sa plunder case at napalaya ang anak na senador. Isang buwan ang nakalipas, binigyan naman ng excutive clemency ang 70-year-old na dating pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahigit 100 pelikula na ang nagawa ni Erap at ang pinakahuli ay ang Sa Kuko ng Agila (1989). Nanalo na siya ng limang FAMAS awards for Best Actor and noong 1983 itinanghal siya bilang FAMAS Hall of Fame awardee for Best Actor and as a film producer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN