Ai-Ai delas Alas will sue cashier who beat up and detained one of her children

One of the children of comedienne Ai-Ai delas Alas was reportedly beaten up a convenience storie cashier last December 5, 2007. It was only 12 days afterwards that the child told Ai-Ai about the incident.



Nakatakdang magsampa ng kaso si Ai-Ai delas Alas laban sa kahero ng isang convenience store sa P. Noval St., Manila, dahil sa pambubugbog at ilegal na pagkulong diumano nito sa isa sa mga anak ng comedienne noong December 5, 2007.

Ipinagbawal ng abugado ni Ai-Ai na ilabas ang pangalan ng anak niya bilang proteksyon na rin sa bata dahil wala pa ito sa hustong gulang.

Ayon sa salaysay ng anak ni Ai-Ai, namimili raw siya sa convenience store nang mapagkamalan siyang nagnakaw ng kendi. Binugbog diumano ng kahero ng convenience store ang anak ng comedienne. Hindi pa raw nakuntento sa pambubugbog ang kahero at ikinulong pa siya sa stockroom ng ilang oras.

Nalaman lang ni Ai-Ai ang mapait na pangyayari sa anak nang magsabi ito sa kanya after 12 days nangyari ang insidente. Noon lang siguro nakahugot ng lakas at nakabawi ng kaunti sa traumatic experience na inabot ng kanyang anak.



Masusing pinag-aaralan ngayon ng abugado ni AiAi ang kaukulang kasong ihaharap nila sa tauhan ng convenience store. Pero nakatakda nang magsampa ng kaso si Ai-Ai laban sa nambugbog at ilegal na nagkulong sa kanyang anak sa Martes, January 8, sa Manila City Hall.

Nasa pictorial si Ai-Ai kahapon, January 4, kaya hindi pa siya masyadong makapagbigay ng buong detalye sa pangyayari at ng kanyang saloobin sa sinapit ng kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN