Polo Ravales is happy about landing lead role in "Maging Akin Ka Lamang"


Polo Ravales plans to let his hair grow to get a new look for his upcoming teleserye, Maging Akin Ka Lamang.



Dahil sa maselang kalagayan ng pagbubuntis ni JennylynMercado, tinanggal na ito sa dapat na bagong drama show niya sa GMA-7, ang MagingAkin Ka Lamang. Pati ang ama ng kanyang pinagbubuntis na si Patrick Garciaay tinanggal din sa cast.

Ang first show kung saan magtatambal sana ang magkasintahangsina Jennylyn at Patrick ay biglang nagkaroon ng recasting. Mananatili pa rinsa cast sina Carlo Aquino at Isabel Oli samantalang ang pumalit kina Jen atPatrick ay sina Polo Ravales at Nadine Samonte.

Sa special press conference ng suspense thriller series na LaVendetta noong Huwebes ng gabi , January 3, sa Pilita's in Greenhills,usap-usapan roon ang pagbubuntis ni Jen at no-show nga ito sa naturangpresscon. Doon din nalaman ng mga imbitadong press na sina Polo at Nadine na ang kapalit ng dalawa sa Maging Akin Ka Lamang.

Hindi makapaniwala si Polo sa nangyari kay Jennylyn. Matagalna raw kasi niya ito hindi nakakasama sa taping kaya wala raw siyang alam sakalagayan nito. Tahimik daw kasi si Jen at hindi raw palakuwento noongkasagsagan ng taping nila for La Vendetta.

Blessing para kay Polo na after La Vendetta ay maykapalit kaagad ito na soap drama at isang Christopher de Leon role pa angnapunta sa kanya.

"Nakakatuwang isipin na ako kaagad ang naisip nila bilangkapalit ni Patrick sa Maging Akin Ka Lamang. Okey lang na maging secondchoice ako. Ang importante ay napili ako among the many possible leading men saGMA-7.


"Tsaka isang magandang role ‘yung nabigay sa akin. Unang ginawa yun ni Mr.Christopher de Leon kaya kailangan magpakita ako ng mahusay na performance.Promise ko naman sa kanila na pagbubutihan ko ang pagganap ko."

Magpapatubo na raw si Polo ng kanyang buhok para maiba namandaw ang look niya. Three years na raw siyang kalbo; nagsimula ito sa Encantadiana nag-air noong 2005 pa.

"For Maging Akin Ka Lamang, I will let hair grow napara hindi na ako mukhang kontrabida," ngiti ni Polo. "Nami-miss ko na rin angmahabang buhok. Para rin bumagay sa role ko sa bagong show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi pa namin nakakausap si Nadine Samonte regarding sa pag-take over niya sarole ni Jennylyn sa Maging Akin Ka Lamang. Pero sure kami na matutuwa siNadine dahil napaaga ang bagong show na kapalit ng Kung Mahawi Man ang Ulap.


Role ni Dina Bonnevie ang napunta kay Nadine. At ayon mismo kay Dina, noong unaniyang nakilala si Nadine (noong panahon na nililigawan pa ito ni Oyo Sotto)nasabi nito na magkamukha sila ni Nadine noong kabataan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN