Susan Roces considers herself rich—in love and friendships

"Sabi nga nila, in one's lifetime, one gets to have areal love, great love," says Susan Roces about her departed husband, the Kingof Philippine Movies, Fernando Poe Jr. Manay Inday (as she is often called)stars in her first primetime soap Patayin sa Sindak si Barbara startingJanuary 7, 2008.



Buong ningning na sinabi ni Kris Aquino sa presscon-press preview ng Sineserye Presents: SusanRoces Cinema CollectionPatayin sa Sindak si Barbara na ang co-starniya na si Susan Roces ang pinakamayamangbabae ngayon sa bansa.

Reaksyon ni Manay Inday (tawag sa kanya sa showbiz) sasinabi ni Kris, "Well, masama raw ang mag-deny. Ako ay mayaman. Mayaman sapagmamahal. Mayaman sa mga kaibigan. Mayaman sa suporta ng lahat ng nagmamahal.I really feel very rich...very blessed. At sa awa ng Panginoong Diyos hindinaman ako nawawalan."


Isang kayamanan din na maituturing ni Manay Inday ang kanyang magandangkalusugan. "Oh! Very successful. Hahaha! Alam mo nung una kong marinig ang word na yun, ‘Naku, you're very successful.' Akala ko...talagang, sabi ko, successful?Papaano? In what way had I been successful? Yun pala ang ibig sabihinnoon you're very fat," sabi niya, sabay tawa ulit.

Ang TV version ng Patayin sa Sindak si Barbara angkauna-unahang teleserye ni Manay Inday sa primetime. Kaya inalam namin kung mayexclusive contract ba siya sa ABS-CBN.

"Ako ay Kapamilya. Hindi ko masasabi na under contract akosince ABS-CBN is now the home for five years of all of FPJ's film library.Siguro kaplastikan naman sabihin kong hindi ako ‘di ba? Pero ako ang Kapamilyana may puso."

Satisfied ba siya sa outcome ng remake ng Patayin?"Ah, you don't call it a remake. It is the sineserye version of Patayin.Iba naman ang approach. May mga additional element na that makes it morecurrent."

Updated? "Oo, updated. That's the right word, updated."

Kumusta naman ang working relationship nila ni Kris?

"It'svery nice to work with Kris. Maganda ang working relationship namin.Maganda rin ang working arrangement namin. In fact, I appreciate her being veryconcerned to me as a senior actor na inisip niya, ‘Naku, si Tita Susan, hindipuwedeng puyatin.' So, ni-request niya along with her request for herself na hanggang alas-dose lang. At kahit gaano kaaga puwede kaming mag-report, bastahanggang alas-dose lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasusunod naman ‘yun. Kung ilang minuto lang naman at isangoras ang lagpas, e, okey na rin kasi alam naman natin na hindi namanpuwedeng eksaktuhin pero hindi naman kami nasasabak sa pa-morningan."

MOVIE CAREER PLANS. May balak ba siyang i-revive ulitang FPJ Productions at ang sarili niyang production outfit noon na Rosas Productions?

"Ah, hindi ko kaya ang nagawa ni FPJ. Hindi ko rin kaya angbudget na kinakailangan upang makagawa ng magandang pelikula ngayon under myown outfit. So, sa ngayon, ang tanging nasa isip ko lang na involvement sa filmmaking is to be an actor kung saan ako nababagay."

Ano naman ang masasabi niya sa pagnanais ni former president Joseph Estrada na makagawa ulit ng pelikula at gusto niya sa Star CinemaProductions din?

"Well, that's good news. I'll look forward to that. Napanoodko yung mga Erap series niya, e."


Papayag ba siya kung sakaling kunin din siya na makasama si Erap sapelikula?

"Ah, sa entire movie career ko minsan ko lang nakasama si Erap in onemovie titled Buhay sa Buhay (1965). Yes, why not? Kung magkakaroon ngpagkakataon bakit hindi?"


LOVELIFE AFTER FPJ. Maraming curious na malaman kung bukas ba ang pusoni Manay Inday na ma-in love ulit pagdating ng araw. Idinaan sa kanta ni ManayInday ang kanyang sagot.

"Pagdating ng panahon. Hahaha! Ayokong tuldukan. Hindiba meron ding kantang ganun? Pero, uh, that's farthest from my thinking,my thoughts. Sabi nga nila, in one's lifetime, one gets to have a reallove, great love, kumbaga. Pero I like the song na may lyrics na 'the greatestlove of all is to love yourself'. Love yourself, that's the best way to show howmuch you love those who love you."

Paano niya ipinagdiwang ang kanilang wedding anniversary niFPJ last Christmas?

"We have two anniversaries. One is our elopementanniversary tuwing Decemeber 16 and then our wedding in the church, which isDecember 25. The entire world celebrated our anniversary. Hahaha! Isn't thatgreat?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga dumating bang mga relatives ni FPJ sa bahay nilanoong nakaraang Pasko?

"Yes, ang [death] anniversary kasi ni FPJ is December14. So, two of the sisters arrived also with my brother-in-law. My other sistersin-law stayed on for Christmas. We had our regular family reunion."

May dumating ba sa sa mga anak ni FPJ bukod kay GracePoe-Llamanzares? "Hindi kami nagkaaroon ng pagkakataon na magkikita-kita. But Iam sure they always honor and remember him."

What about Lovi Poe? Malapit ba sila sa isa't isa?"Well, it would be a lie if I would say that, no? We still have toknow each other better."


Na-meet na ba niya si Lovi? "During the wake of FPJ. I think they were givennaman their due rights to honor him. Ah, wala pang naging oportunidad para kamimagkaroon ng ganung relationship."


Was there was a chance na napanood niya si Lovi sa TV na umaarte?"When Lovi did Bakekang with Sheryl [Cruz]. I got to watch some ofthe episodes whenever I can, whenever I am at home."


Posible bang magkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa kanya si Lovie?

"Whatever it is between FPJ's children,ah, it's personal to me and I would want to keep it private because I think itmight be given a wrong interpretation if we make any announcements. Baka sabihinnanggamit, ginagamit, etc, which will be very unfair to thoseinvolved including me."

How about si Ronian na anak din ni FPJ, puwede kayangpag-usapan ito?

"Hindi naman sa hindi puwedeng pag-usapan. But I respect theirprivacy the way they are respecting my privacy. They are nice kids. They are veryrespectful to me and I appreciate that. I wish both of them well. I wish all ofthem well."


Okey lang ba sa kanya na gamitin ni Lovi ang 'Poe' bilang surname sa screen nameniya? "Well, that is her birthright. So, it's not for me to say 'puwede', 'hindi puwede'.That is her right. That name does not belong to me solely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, sampid lang ako," ngiti ni Manay Inday.

But PEP points out that she is the legal wife of Fernando Poe Jr. "Sampid lang ako kasiby marriage. I will forever be Sonora," tawa ulit ni Ms. Susan Roces, naang real name ay Jesusa Sonora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN