Susan Roces says politics is not her line

"Hindi ko linya ‘yan... Siguro kung bata-bata ako, baka sakali," replies movie queen Susan Roces when asked about the possibility of entering politics.



Muling mapapanood ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces sa drama via ABS-CBN's newest primetime Sine Serye, Patayin sa Sindak si Barbara, kung saan siya ang gumanap na bida sa kauna-unahang movie version nito noong 1974, directed by Celso Ad. Castillo.



This time, sa TV version nito, Ms. Susan plays the role of Amanda, ang ina ni Jodi Sta. Maria at ang stepmother ni Kris Aquino, na siya namang gumaganap sa dating role ni Ms. Susan na Barbara. Ikinuwento niya kung paano siya na-convince to play the original and the TV remake of Patayin sa Sindak si Barbara.

"When I did Patayin, the first version, I was already sort of semi-retired. Maybe my husband... Siguro naramdaman din niya na nami-miss ko rin ang paggawa ng pelikula. Siya ang nagsabi sa akin na there was a nice project, 'kayo ni Celso Ad Castillo'. And he's very much involved in the story preparation. At ngayon... na hiniling nila na gawing Sine Serye, bakit ito na naman ang naging choice? So, ramdam na ramdam ko na nandiyan pa rin siya [FPJ]," lahad ni Susan sa presscon-press preview ng Patayin sa Sindak si Barbara last Friday, January 4.



Tinanong namin si Susan kung sa paglayang muli ng matalik niyang kaibigan at dating presidente na si Joseph Estrada, will there be a chance na kung maisipan nitong tumakbo muli bilang presidente at alukin siyang maging vice-president nito ay iku-consider ng veteran actress?



"Kung para sa pelikula, oo! Baka yun ang istorya," sagot ni Susan, sabay sabing biro lang. "Malayo ‘yan sa mga plano ko sa buhay. Ako ay naka-focus ngayon sa pamilya. Sa business namin, which is outside of the movie business. I'm into real estate.



"I am semi-retired in film making. I accept roles that are interesting enough for me and yung kaya ko lang. Kasi hindi ko rin naman kakayanin yung sobrang trabaho or sobrang puyat. Gusto kong ma-enjoy din ang company ng mga kaibigan ko, pamilya ko, mga anak ko, at ng mga apo ko. So, kailan pa kung hindi ngayon?" paliwanag ni Susan, na naging film producer na rin dahil sa FPJ Productions at Rosas Productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala bang makakakumbinsi sa kanya na pasukin pa rin ang politics in the future?



"Ah, hindi ko linya ‘yan... Siguro kung bata-bata ako, baka sakali," pag-amin niya.



Kinumusta rin ng PEP ang kalagayan niya tatlong taon pagkatapos namayapa ang kanyang mister na si FPJ.



"Hindi nawawala si FPJ," maagap niyang tugon. "Well, siguro ang makakaunawa ng aking damdamin ay ang mga katulad kong nawalan din ng kabiyak. Yung tanong n'yo kung nawawala, never 'yang mawawala. It just comes on and off. Basta. I'm just still in constant communication.



"Although, hindi kagaya ng Patayin sa Sindak, hindi naman siya nananakot!" biro pa niya. "Ramdam ko, he's very much a part of every project that I do. Sabi nga nila, kapag pumapanaw ang isang mahal sa buhay, sila ang nagiging guardian angel natin. I can attest to that as true. Dahil sa mga pangyayari sa buhay ko sa loob ng tatlong taon, ramdam na ramdam ko na there's somebody guiding me."



Ayon nga kay Ms. Susan, ilan sa mga negotiations na ginawa pa noon ni FPJ bago ito namayapa ay tila napu-push through pa rin ngayon.



"Well, unang-una, yung negotiations na ginawa niya before he died, fell in two places within that period. Meron silang usapan ni Charo Santos-Concio to meet, namatayan niya ‘yon, pero tuloy pa rin. Yung pagkakagawa ko ng sitcom for ABS-CBN [John En Shirley] is not at all in my plans.



"Yung mga pangyayari ngayon na ginawang Sine Serye, ang Patayin sa Sindak si Barbara, ay wala rin ‘yan sa plano ko. Maraming pangyayari sa buhay ko sa loob ng tatlong taon na ramdam na ramdam kong may gumagabay sa akin," saad ng Queen of Philippine Movies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN