Marky Cielo assures Aljur Abrenica he's not courting Kris Bernal

"Walang dapat ikaselos o ipangamba si Aljur sa akin. Yung love triangle, hanggang sa Zaido lang ‘yon and not in real life," says Marky Cielo (left) about rumors linking him to Kris Bernal (middle), who is being courted by Aljur Abrenica (right).



Nagulat ang young actor na si Marky Cielo sa nabalitang nililigawan na raw niya ang katambal niya sa Zaido: Pulis Pangkalawakan na si Kris Bernal. Sabi nga ay sinusulot na raw niya si Kris kay Aljur Abrenica at tila naging totoo na ang love triangle nila sa Zaido.



Ayon pa sa balita ay dinadalaw na raw ni Marky si Kris sa bahay nito sa Quezon City at panay ang palitan nila ng text messages. Inamin ng binata na madalas silang magpalitan ng text messages ni Kris, pero never pa raw siyang nakakarating sa bahay nina Kris.



Dagdag pa ni Marky, nabigyan lang ng ibang interpretation ang pagiging close nila ni Kris ngayon. Maganda at mabait daw si Kris at kahit na sinong lalake ay gugustuhing ligawan ang young actress. Pero walang ligawan na nangyayari sa kanila ng dalaga.



"Kami naman ni Kris, we enjoy each other's company. Lalo na kapag nagte-taping kami ng Zaido at Boys Nxt Door. Pero yung pagligaw, wala talaga. Alam ‘yon ni Aljur," diin ni Marky sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Pero ayon sa mga chika ay nakakaramdam na raw ng selos si Aljur kay Marky dahil sa pagiging close niya kay Kris.



"Hindi naman siguro," tanggi ni Marky. "Kasi kung may gano'ng feeling si Aljur, puwede naman siyang sabihin sa akin. Pero alam naman niyang hindi ko pinupormahan si Kris. Close lang kami talaga ni Kris dahil sa trabaho namin ngayon."



But given the chance, since mukhang wala pa namang serious na relasyon sila Aljur at Kris, may balak ba siyang ligawan si Kris?



"Mahirap sagutin ‘yan kasi baka magkamali ako ng isasagot, e," nakangiting sagot ni Marky. "Ang masasabi ko lang ay magkaibigan kami ni Kris. Wala namang masama doon. Walang dapat ikaselos o ipangamba si Aljur sa akin. Yung love triangle, hanggang sa Zaido lang ‘yon and not in real life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN