Joem Bascon on being mama's boy: "Mabuti nga raw hindi ako lumaking gay!"

"Hindi naman ako naniniwala sa ganoon. Kasi kahit nariyan palagi angmommy ko, astig ang dating ng daddy ko... Mga babae pa rin hanggang ngayon ang pinag-iinteresan ko," says Joem Bascon about the notion that most of mama's boys have the tendency to be gay.



Akala ng marami, si Joem Bascon ang tatanghaling grand winner sa nakaraang Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge ng ABS-CBN. Si Jordan Herrera ang naging kampeon dito, at agad namang tinanggap ni Joem ang kanyang pagkatalo.



"Ganoon naman talaga sa boksing. Kung minsan, isang suntok lang ang magiging katapat mo. Kahit ang ganda-ganda ng laro mo, kapag napuruhan ka ng isang matinding suntok, mababalewala 'yon," pahayag ni Joem sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Amazing din na during that time, pinagsasabay-sabay ni Joem ang training sa boxing, then yung taping para sa Lovespell at Patayin sa Sindak si Barbara.

"Mahirap, pero time management lang talaga. Like doon sa Barbara, malayo sa personalidad ko ang role ko. Dapat daw, maangas ako, malakas ang dating. Hindi naman ako ganoon sa tunay na buhay. Kaya kailangang mag-character study. With the guidance of our directors, mukhang nagawa ko naman ng tama," saad ni Joem.

MAMA'S BOY. Lumaki si Joem na very close sa mommy niya na si Mrs. Noemi Bascon. Intact ang dala-dalang values ni Joem maski sa pagpasok sa showbiz.

"Mabuti nga raw hindi ako lumaking gay!" at medyo natawa ang binata. "Hindi naman ako naniniwala sa ganoon. Kasi kahit nariyan palagi ang mommy ko, astig ang dating ng daddy ko. I mean, buong-buo kasi ang father image na nakita ko sa daddy ko. So, I think, walang problema. Mga babae pa rin hanggang ngayon ang pinag-iinteresan ko."

In fact, tatlong serious relationships na raw with girls ang napagdaanan na ni Joem. Puro raw sila non-showbiz.



"It's not that hindi ako nagagandahan sa mga taga-showbiz," paglilinaw ni Joem. "Maraming magaganda sa showbiz, pero nagkataon lang kasi na wala pa akong natitipuhan sa kanila. Mas inaalam ko kasi ang ugali."

MAJA SALVADOR. Bale parang triangle sila nina Maja Salvador at Jay-R Siaboc sa Patayin sa Sindak si Barbara. Hindi ba siya na-challenge man lang kay Maja?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Maja is very lovely," pag-amin ni Joe. "Panggulo nga ang dating ko sa kanila ni Jay-R. Gusto ko si Maja dahil mabait siya. Pero hindi naman dahil doon, liligawan ko na siya.

Natutuwa lang ako kay Maja dahil mabola siya, pero madaling kausap. She's so madaldal. Hindi kami naiinip sa taping. Masarap siyang katrabaho," tuluy-tuloy na sabi ni Joem.



PIOLO LOOK-ALIKE. Nararamdaman na rin ba ni Joem na hindi na sila masyadong pinaghahambing ni Piolo Pascual ngayon? Sinasabi kasi ng marami na magkamukha sila.



"I'm glad, I mean, Piolo Pascual na kasi siya, and I will always pale in comparison, di ba?" sabi ni Joem. "Nakaka-flatter mai-compare kay Piolo, lalo na sa point na good characteristics ang napapag-usapan. Pero dumating lang siguro ang time na nakikilala na ako ng mga tao as me, as Joem Bascon, at hindi lang dahil may hawig ako kay Piolo, as they say."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN