Jennylyn Mercado's loss is Nadine Samonte's gain

The Year of the Rat is looking to be another lucky year for young actress Nadine Samonte. Aside from replacing Jennylyn Mercado in the afternoon soap Maging Akin Ka Lamang, she is also being considered to play the popular Pinoy mermaid, Dyesebel.



Nag-team up sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte sa isa sa pinaka-successful soap operas of GMA-7 last year, ang Super Twins.

After the show folded up, Nadine went on to star in two other soaps—bilang main lead sa Sine Novela na Kung Mahawi Man ang Ulap opposite her Super Twins "mentor" Dennis Trillo at sa Marimar bilang si Inocencia.

Si Jennylyn naman, nagpahinga ng ilang buwan dahil sa gulo sa pagitan ng kanyang manager na si Becky Aguila with GMA-7. Last part of 2007 na lang siya nakabalik with La Vendetta.

May bagong sisimulan na sanang Sine Novela si Jennylyn na first time pairing pa man din with real-life boyfriend Patrick Garcia, ang Maging Akin Ka LAmang. Naka-two days taping na sila nang biglang sumabog ang balita na buntis si Jennylyn, so kinailangang i-recast ang show. Exit Jennylyn and enter her "super twin" na si Nadine.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 4 kay Nadine para tanungin ang reaction niya sa pagkakabuntis ni Jennylyn.

"Siyempre, nakakagulat," sagot ni Nadine sa amin. "Siguro it's a blessing for her na rin so congrats na lang and ingat siya sa sarili niya."

Kahapon, January 5, ang start ng taping ni Nadine for Maging Akin Ka Lamang dahil kahapon niya lang din nalaman na siya ang papalit kay Jennylyn.

Kuwento ni Nadine, "Ngayon ko lang po nalaman kasi na-text po ako ng handler ko at na-forward agad yung taping schedule. Dalian nga po, actually may taping na po ako tomorrow.

"Nung una ko pong narinig ang balita, hindi pa ako naniwala na sa akin ibibigay kasi may Marimar pa ako. Naayos na po pala nila ang schedule ko."

Hindi raw alam ni Nadine kung alam na ni Jennylyn na sa kanya napunta ang role nito, but she will try to text her daw.

With Maging Akin Ka Lamang and Marimar, tiyak na full schedule muli si Nadine, kaya naitanong na rin namin sa kanya ang reaction niya na napakarami niyang fans ang nagpe-petition na siya rin ang gumanap na Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hahaha! Ang ganda naman pakinggan and how I wish sana po. Kasi noong bata pa ako, gusto ko talagang maging mermaid. Hehehe, I'm praying na sana po talaga," sagot niya sa amin sa text.

We asked her, if given a choice, ano ang mas pipiliin niya, ang Dyesebel o ang Darna role. Minsan na kasi siyang gumanap na sirena sa Ang Mahiwagang Baul sa "Alamat ng Sirena" at isa naman siya sa guest star noon ng Darna bilang incarnate ni Valentina.

"Even I know it's hard to choose, I'd rather choose Dyesebel po," sagot niya.

Kinumusta din namin ang estado ng relasyon nila ng scion to a big lechon business na si Emerson Chua. Emerson and Nadine have been on for more than two years na.

"We're doing great po, and kami pa rin, hehehe!" aniya.

Tinanong namin kay Nadine kung may wedding plans na sila.

"Wala pa po, matagal pa po yun. Mas maganda ‘pag ang wedding bongga kaya dapat ipon muna."

Hiningan din namin siya ng reaction sa isang comment ng PEPster regarding sa Super Twins na lahat ng main stars nito (Dennis, Jennylyn, Patrick, Camille Prats, and the first villain na si Tanya Garcia) ay naging parent by 2007 at siya na lang ang hindi. Biro namin, baka siya na ang sumunod.

"Hahaha! Huwag naman po sana. Work po muna ako. Hahaha!" sagot ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN