Lovi Poe admits Jolo Revilla has been courting her for two months

"He's very maalaga. Tinatawagan niya ako maya-maya, tine-text, ganu'n. First time nga akong naka-encounter nang gano'n, e. He's very caring," kuwento ni Lovi Poe tungkol sa manliligaw niyang si Jolo Revilla.


Inamin ni Lovi Poe na dalawang buwan na siyang nililigawan ni Jolo Revilla. Kagabi lang, January 5, pagkatapos mag-front act ni Lovi Poe sa show nina Regine Velasquez and Ogie Alcasid sa Klownz Quezon Avenue, ay nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang young actress. Ang naturang show na may pamagat na Ogie and Regine: A New Year Special ay produced by the Philippine Movie Press Club and Klownz.

Sinamantala na ng mga manunulat ang pagkakataon na linawin ang balitang masugid na manliligaw si Jolo Revilla sa kanya. Si Jolo ay anak nina Senator Bong Revilla and Lani Mercado, na may love child kay Grace, na anak naman ni Rosanna Roces.

Nagkakilala sina Lovi at Jolo nang magkasama sila sa HP (Hokus Pokus) Ibang Level Na, ang defunct comedy show ni Senator Bong sa GMA-7.

"Nagsimula kasi 'yan nung nagkakasama-sama na kami with our common friends. Noong una, ang first impression ko sa kanya ay maangas.

"Pero marunong siyang makisama with my friends, e. Sabi pa nga ng mommy ko, umiwas muna ako kahit na kaninong suitors," kuwento ni Lovi.

Wala ba itong kinatatakutan kahit sabihing babaero si Jolo at matinik sa chicks? "Lahat naman ng mga lalaki, babaero e," nangingiting sambit ng alaga ni Leo Dominguez.

"Mahirap kasing magsalita nang patapos, basta I know him differently. Maganda ang pakikitungo niya sa amin. Totoong tao siya at walang pretensions," pagde-describe ni Lovie sa suitor niya.

Paano nga ba manligaw si Jolo? "He's very maalaga. Tinatawagan niya ako maya-maya, tine-text, ganu'n. First time nga akong naka-encounter nang gano'n, e. He's very caring," kuwento ni Lovi tungkol sa kanyang manliligaw.

Nade-develop na nga kaya siya sa manliligaw niya? Napangiti nang matamis ang young actress-singer, "Let's see, hindi ko pa alam."

Napapag-kuwentuhan ba nila si Grace? "We share some personal stuff," pakli niya. "Sa pics ko pa lang nakikita 'yung anak nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagtanong kung nakahanda kaya siyang "tarayan" ni Osang, kung sakali man ma-encounter niya? "I don't know, pero ang alam ko, hindi naman siya gano'ng type."

Isang matunog na "secret" ang sagot ni Lovi sa tanong kung ano raw ba ang Christmas gift nito sa kanya, na kahit na anong pilit namin ay matigas ito. "Secret talaga, e," hagikgik nito. "Ang masasabi ko na lang, siguro ang best present niya sa akin ay nung nag-spend siya ng time na pumunta ng bahay namin no'ng mismong Christmas Day, after nilang magsama ng family niya, at nung past 12 midnight naman nung New Year.

"Secret na lang kung anong gift niya. Siyempre, okey na rin na may lihim-lihim minsan, hihihi!" tawa nito.

Masasabi niya kaya sa sarili niyang puwede rin siyang pumatol sa isang binatang amang tulad ni Jolo? "As I said, hindi po ako magsasalita nang patapos. What happened in the past, e, tapos na po yun. Hindi na mahalaga sa akin 'yon. Maybe, nagkamali siya no'n. He might be taking the right path now," pagtatanggol ni Lovi.

So, anong chance na sagutin niya si Jolo? "Fifty-fifty," makahulugan nitong tugon. 'Kung sa chance, hindi ko pa kasi alam talaga e, kasi, sa totoo lang, ‘di pa ako ready magka-boyfriend sa ngayon."

How would she compare Jolo sa dati ring manliligaw niyang sina Cogie Domingo and Prince Stefan ng StarStruck 4? "Mahirap pong mag-compare. They're both nice persons. Si Prince, I don't think nanligaw siya."

Since Kapuso star rin siya, ano ang masasabi niya sa pagbubuntis ni Jennylyn Mecado? "I'm supporting her, although hindi ako close sa kanya. Patrick [Garcia] is there naman, e. Magkakasama kami sa GMA kaya suportahan lang kaming mga talents," pagtatapos ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN