Angelika dela Cruz has two-year exclusive contract with GMA-7

Angelika dela Cruz says that she was unhappy in the Kapamilya Network but refuses to go into details about it. She is now back with GMA-7 to work on the show Babangon Ako't Dudurugin Kita.



Two years exclusive contract ang pinirmahan ni Angelika dela Cruz sa GMA-7. At sa muling pagtuntong ni Angelika sa studio kung saan ginanap ang live telecast ng S.O.P. earlier today, January 6, medyo nanibago pa siya to see old faces, and even friends na galing sa Dos na lumipat na rin sa Siete.

"Excited ako, lalo na nang maramdaman kong welcome ako agad," sabi ni Angelika. "Pero, may naramdaman din akong lungkot sa pag-alis ko from ABS-CBN. Kasi, marami na rin akong naging friends doon.

"Yun nga lang, mas masaya itong pagbabalik ko sa GMA-7. I got to be more positive. Two years yung exclusivity ng contract kaya it's really a much better deal," dugtong ng dalaga.

Hindi pa man siya nag-uumpisa for Babangon Ako't Dudurugin Kita, nasabi na sa kanya na mayroon pa siyang isang gagawin na show para sa Kapuso.

"Okay na sa akin yung may teleserye muna ako na maganda ang role ko. Hindi ko iniisip kung kontrabida ba ito, pero may pagkabida rin in some aspects yung role ko. At saka very challenging talaga.

"I never burn bridges. Maski nga itong pag-alis ko sa ABS-CBN, I made sure na maayos lahat, nakipag-usap ako nang maayos. Para wala na yung mga nega-negang chika.

"Marunong akong tumanaw ng utang na loob. Ayoko nang manisi pa kung bakit lumipat ako, kasi, decision ko naman ito. Ganoon lang ang sinusunod ko, kung saan ako masaya, roon ako," lahad ni Angelika, na ang huling proyekto sa ABS-CBN ay ang Prinsesa ng Banyera. Pumasok sa naturang teleserye si Ara Mina, na siyang tumigil naman sa pag-tape ng GMA-7 comedy show Bubble Gang.

Sa tingin ba niya, makakasundo niya si Yasmien Kurdi na co-star niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita?

"Okay naman kami, pero hindi pa kami close. Pero, sa nakikita ko sa kanya, palagay ko, magiging good friends din kami. I have that feeling," sambit pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Once and for all, ano ba talaga ang naging problema ni Angelika sa Dos? "Wala naman talagang problema. It's just that, hindi na talaga ako naging masaya. Pero, ayoko kasing magsalita ng kung anu-ano dahil natulungan din naman nila ako.

"Naiitindihan naman nila roon yung stand ko, at okay na rin sa kanila na subukan ko uli sa GMA-7. Kasi, nakita ko kasing maganda ang offer na mahirap tanggihan.

"Yun lang naman 'yon. At saka ayoko munang magtrabaho nang walang katiyakan," paliwanag ni Angelika.

Mas marami nga raw ang nakaka-appreciate sa bagong Angelika kaysa noong namamayagpag pa ito sa GMA-7 bago siya lumipat sa Dos.

"Ah, yun kasi ang time na bata pa ako. I was really bratty. Inaamin ko naman 'yan. Pero, siyempre, nagma-mature ang tao. At saka kapag happy ka, lalo sa lovelife mo, malaking bagay 'yun.

"But, basically, dala lang yun ng kabataan. Minsan, nagbabaliw-baliwan ka," at natawa na lang siya.

Nasabi nga ni Sunshine Dizon na happy siya sa pagbabalik ni Angelika sa Siete, at okey lang din dito na muli silang magkasama sa isang teleserye.

"Ganoon din ang feeling ko. Hindi na kami nagkaroon ng communication ni Sunshine mula nang lumipat ako sa Dos noon.

"I must admit, dahil mga bata pa kami noon, natangay kami ng mga intriga. Kung anu-anong parating na kuwento kasi, na dapat ay hindi namin inintindi.

"Pero, wala namang samaan ng loob sa amin ni Shine, na puwedeng makaapekto sa pagsasama namin. Pareho na kaming mature. Masaya ako sa idea na puwede kaming magkasama ngayong pareho na kaming Kapuso," pahayag ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN