Aljur Abrenica still unsure about his feelings for Kris Bernal

"Mabait at marunong makisama si Marky sa aming lahat. Kung sakali ngangmanligaw siya kay Kris, boto ako sa kanya. Hindi ako magiging hadlangsa kanya kung liligawan nga niya si Kris," says Aljur Abrenica.



Nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica at ipinarating namin sa kanya ang mga sinabi ni Kris Bernal. Nangiti lang ang binata, lalo na noong malaman niya na napapansin ni Kris ang paurong-sulong na pagpapakita niya ng damdamin sa dalaga.



"Yun ba ang hindi niya maintindihan sa akin?" sabi ni Aljur. "Inaamin ko na gano'n talaga ako. May times nga na sobra kong gustong maging sweet kay Kris. May times din na hindi. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, pero alam ko sa sarili ko na gusto ko si Kris.



"Siguro ang iniiisip ko lang, masyado pa kasi kaming mga bata para maging seryoso sa isang relasyon. Ayokong maging problema ‘yon balang araw dahil nagsisimula pa lang kami sa career namin sa GMA-7. Sayang naman kung pababayaan namin, kung uunahin namin ang emosyon namin, di ba?" paliwanag niya.



May nagbabawal ba kay Aljur na maging seryoso kay Kris?



"Wala namang gano'n," sagot niya. "Ang gusto ko lang kasi ay may kalayaan si Kris. Ayokong isipin niya na nakabakod ako or darating ang time na pagbabawalan ko siya sa mga gusto niyang gawin. Hindi ako ganung tao.



"I want her to enjoy life at makakilala pa siya ng iba't ibang kaibigan. Ganun din naman ang gusto ko sa sarili ko. Mahirap na kasi na parang nakatali kami sa isa't isa. Importante ang freedom sa bawat tao, di ba? Wala namang masama doon siguro."



So, okay lang na ma-link at maligawan si Kris ng ibang lalake tulad ng nababalitang closeness ng dalaga kay Marky Cielo?



"Wala naman akong karapatan na pigilan or pagsabihan si Kris. Tulad nga ng sinabi niya, wala naman kaming relasyon kaya she's free to entertain mga suitors niya. Choice naman ‘yon ni Kris, e. Wala akong puwedeng masabi pa doon. Kung si Marky nga ang mapupunta sa kanya, okay lang. I will be happy for them kasi kaibigan ko si Marky," pahayag ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



So naniniwala siya na puwedeng mauwi sa ligawan ang pagiging close ngayon nina Marky at Kris? Hindi ba siya magseselos kay Marky if ever?



"Hindi ko alam kung mauuwi sa ganun, pero ang alam ko ay close na nga silang dalawa. Nabanggit nga sa akin ni Kris before na nagte-text-an sila ni Marky. Okay lang kasi magkasama kami sa trabaho, e.



"Selos? Hindi naman, kasi close kami ni Marky. Bago ako sumali ng StarStruck, si Mark yang gusto kong tularan. Kumbaga, idol ko siya noong time nila sa StarStruck. Mabait at marunong makisama si Marky sa aming lahat. Kung sakali ngang manligaw siya kay Kris, boto ako sa kanya. Hindi ako magiging hadlang sa kanya kung liligawan nga niya si Kris," sabi ni Aljur.



Nabanggit din ni Kris na kahit daw may ibang lalake na siyang mapusuan, parati raw magiging special si Aljur sa buhay niya.



"Kami naman ni Kris, since nagsimula kami sa StarStruck, special na ang tingin namin sa isa't isa," sabi niya. "Dumating nga sa point na nagkatampuhan kami at napunta siya sa iba [Mart Escudero]. Pero heto at magkasama pa rin kami.



"Gusto kong isipin na para kami talaga sa isa't isa, pero hindi pa siguro panahon. Kaya siguro ganito ako na paurong-sulong sa kanya. Pero tulad nga ng sabi ni Kris, special din siya sa buhay ko. Kung mapunta man siya sa iba, mamahalin ko pa rin siya bilang kaibigan.

"Ngayon, kung wala pa, darating din ang panahon na masasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Hihintayin ko lang ang tamang pagkakataon at tamang panahon," pagtatapos ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN