Katrina Halili not interested to play Darna or Dyesebel

Katrina Halili jokes when asked about falling in love this year,"Hindi naman natin alam kung kailan darating ‘yon. Pero kapag nandiyanna, baka magulat na lang kayo, mag-aasawa na ako. Imbitado kayonglahat!"



Sinabi ni Katrina Halili na magpapahinga muna siya pagkatapos ng top-rating drama series na Marimar. Sa birthday celebration ng young sexy star noong Sabado ng gabi, January 5, sa Barrakz bar sa Tomas Morato, Quezon City, ipinahayag din niyang wala siyang planong maging Darna o Dyesebel.

"Wala po, kasi alam kong may napili na sila e. Hindi na ako sasali doon, sila na lang ang maging Darna o Dyesebel," saad ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero kung papipiliin siya, ano ang mas gusto niya?

"Siyempre, gusto kong lumipad. Ayokong lumangoy, masakit sa mata, maalat ang tubig e. Pero hindi naman ako lilipad dahil alam kong may napili na silang maging Darna. Kung gagawin nila akong Captain Barbell, puwede pa siguro!" pabiro ng young sexy actress.

Hindi rin makapagbigay ng detalyadong komento si Katrina ukol sa balitang siya ang susunod na ibi-buildup ng GMA-7. "Ewan ko po, ayokong mag-ambisyon," matipid niyang sagot.

Sa intrigang kakabugin siya ni Iwa Moto this year bilang FHM's Sexiest Woman, hindi rin apektado si Katrina.

Ani Katrina, "Go! Friend ko naman siya, e, at sexy naman si Iwa. Ayoko kasi ng competition, e.

"Aagawin yung trono ko?" ulit pa niya sa pag-uusisa ng PEP. "Wala naman po akong trono, e, bahala sila kung gusto nilang agawin. And yung mga tao naman ang makakapagsabi kung sino ang gusto nilang gawing Sexiest Woman ng bansa at hindi naman po ako. Kahit na gusto ko pa, kung ayaw naman ng mga tao, di ba?"

Kung ang co-star niya sa Marimar na si Marian Rivera ang umagaw ng title niyang Sexiest Woman, ano ang masasabi niya?

"Go, kanya na lang lahat. Wala pong bitterness 'yon, okay naman kami e," sabi ni Katrina.

Kasama ba sa plano niya this year ang pagkakaroon ng lovelife?

"Hindi, wala, e. Kasi hindi naman natin alam kung kailan darating ‘yon. Pero kapag nandiyan na, baka magulat na lang kayo, mag-aasawa na ako. Imbitado kayong lahat!" nakatawang saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kapag nakapagpahinga ako nang kaunti sa work, baka magkaroon ako ng time sa lovelife," seryosong bawi ng aktres. "Feeling ko lang, after Marimar ay magpapahinga muna ako, kasi wala naman ako sa mga naka-lineup na show ng GMA-7."

Kung papipiliin ng GMA-7, anong project kaya ang gusto niya?

"Hindi ko pa yata alam... Hindi, gusto ko yung Super Inday ni Maricel Soriano. Comedy kasi ‘yon, e, gusto kong mag-comedy para maiba naman. Cute kasi kapag ganoong comedy at saka paborito ko po kasi si Maricel."

Tungkol naman sa StarStruck batchmate niyang si Jennylyn Mercado, sinabi ni Katrina na hindi siya naiinggit dito dahil may nagmamahal ditong kagaya ni Patrick Garcia.

"May napanood kasi ako sa kanila sa SiS, na-touch ako sa sagot ni Patrick. Hopeless romantic kasi ako, e. Pero hindi ako naiinggit, natutuwa nga ako para sa kanila.

"Tawag kasi sa akin ni Jennylyn ay Ate Vicky, yung [pangalan ko] sa Joyride. Sabi niya, ‘Ate Vicky, 'pag nagkaproblem kami, doon kami pupunta ng magiging inaanak mo sa iyo.' Ganoon ang sabi niya, e!" tawa ni Katrina.

Takot ba siyang ma-in love dahil baka bigla siyang mabuntis?

"Hindi naman po," sambit niya. "Wala kasing dumarating, kaya loveless ako. Isa pa, hindi naman ako nagmamadali dahil bata pa po ako."

Kung sa kanya nangyari ang nangyari kay Jennylyn, itutuloy rin kaya niya ang pagbubuntis?

"Siyempre naman po! Pero paano mangyayari ‘yon, e, wala naman akong boyfriend?" tawa niya ulit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN