Mark Herras reluctantly admits third party as cause of breakup with Lian Paz

Although young actor Mark Herras cites "lack of time" as reason of breakup withdancer Lian Paz, he indirectly admits that a basketball player is the true reason of the separation.



After ten months of going steady, nag-split na ang first StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras at ang pinakasikat na EB Babes dancer ng Eat Bulaga! na si Lian Paz. It was reported na third party ang dahilan ng kanilang breakup on the part of Lian.

Sinubukan naming magtanong kay Mark via text tungkol sa breakup nila ni Lian, ngunit bukod sa pag-confirm ng kanilang split and the reason being lack of time, hindi na siya muling sumagot pa. Kaya naghintay na lang kami ng pagkakataon na magkita kami sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato kung saan pareho kaming regular visitors.

Nagkita nga kami ni Mark sa naturang Internet café kagabi, January 6. Katatapos lang niyang magtrabaho noon para sa SOP. Kasama niya sina Rainier Castillo, na nagpapahinga rin from his Kamandag taping, and Mike Tan, na nagsisimula na rin ng Maging Akin Ka Lamang.

Diretsa agad naming tinanong si Mark kung totoong third party ang cause ng split nila ni Lian at hindi lack of time.

"Opo, pero ayoko na lang pong magsalita dahil nakakahiya naman kay Lian. Siya ang babae," sabi ni Mark kung kaya't hindi na namin siya muling tinanong pa.

Monday, January 7, naibalita sa isang tabloid na isang basketball player daw ang pinagselosan ni Mark, kung kaya't binalikan namin siya, tutal naman ay may nakapagsulat na rin tungkol dito.

Ang unang tanong namin kay Mark, kung kilala niya ang sinasabing basketball player na nauugnay sa ngayong ex-girlfriend niya.

"Hindi ko po kilala, e," matipid niyang sagot.

Later on, sumagot ulit siya via text: "He he he, secret po eh, ha ha ha, yuppy PBA. Hayaan niyo na po, tapos na naman."

Tinanong namin ulit si Mark kung nakita niya mismo ang sinasabing basketball player at si Lian na magkasama, at kung umamin si Lian about this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di po, pero may reason po ako," sagot ni Mark sa text.

Sa ikalawang tanong namin kung umamin na si Lian, hindi raw.

Nag-request si Mark sa amin na huwag na lang daw namin isulat ang tanungan namin. Pero sabi namin sa kanya, may nakapagsulat nang iba kung kaya't follow-up na lang lahat ito kaya pumayag din siya sa bandang huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN