FIRST READ ON PEP: Mariel Rodriguez back in "Wowowee" starting January 8

Controversial TV host Mariel Rodriguez will be seen again in ABS-CBN's daily noontime show, Wowowee, starting tomorrow, January 8.



Mabilis na kumalat ang usap-usapan na hindi na makakabalik sa Wowowee ang dating co-host ni Willie Revillame na si Mariel Rodriguez. Bunsod ito diumano ng mga binitawang salita ni Mariel laban sa studio audience ng Wowowee at sa pagmumura at panlalait nito sa ex-housemate at second-place winner sa katatapos lang na Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2 na si Riza Santos.



Malaki raw nag naging epekto ng insidenteng naglasing si Mariel sa loob ng PBB house kasunod ang pagmumura at pagkuwestiyon sa virginity ni Riza. Naging negative diumano ang image ng TV host kaya posibleng hindi na siya makabalik sa Wowowee.

Patunay raw nito ang hindi paglabas ni Mariel sa New Year episode ng Wowowee, kasabay ng paglunsad ng pagbabalik sa programa ng kanilang game portion na "Bigtime Pera o Bayong." That time, ilang araw nang pinalabas ng Bahay ni Kuya si Mariel.

Pero ayon sa nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na konektado sa Wowowee, hindi raw totoo ang balita na hindi na nila pababalikin sa noontime show si Mariel. Sa katunayan, kinumpirma ng aming source na babalik sa Wowowee bukas, January 8, si Mariel bilang co-host.

Itinanggi ng aming source na naapektuhan si Mariel ng nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya kaya hindi siya makakabalik sa Wowowee. Ang management daw mismo ang may gustong bumalik si Mariel sa noontime show ng ABS-CBN. Naniniwala ang management na malaki rin ang naiaambag ni Mariel sa Wowowee.



Duda ng aming source ay may ilan lamang na naninira kay Mariel para hindi na siya makabalik sa show ni Willie. Pagtatanggol pa ng aming source, "Kung negative at negative rin lang, napakaraming negative issues na ang pinagdaanan ng Wowowee at pati na rin sa host ng show. So, anong negative effect sa show ang sinasabi nila kay Mariel?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN