Royette Padilla wants to make showbiz comeback

Royette Padilla is very determined to change hislife after coming out from a rehabilitation center for having been an alcoholic. With this, the former action star said he wanted tocome back in showbiz and even pleaded, "Sana ilabas-labas ako ni Robin paratalagang kahit papaano masasabi ko na galing sa sarili ko ang pera, hindi galingsa tulong ng kapatid ko."


Handa nang magbagong-buhay ang action star na si RoyettePadilla matapos siyang tuluyang makalabas sa rehabilitation center noongnakaraang buwan.

Matatandaan na ibinalita sa Showbiz Central noongNovember 25 ang pagtakas ni Royette sa di pinangalanang rehabilitation centerkung saan siya ay naka-confine.

Sa nasabing episode, inihayag din ni Royette sa exclusive interview sa kanya kung bakit niya nagawang tumakas sa rehabilitationcenter. Aniya, "Tatlong taon na akongnari-rehab, e. Hanggang ngayon, wala paring linaw ang paglabas ko."

Naikuwento rin ng aktor ang diumano'y pagmamaltrato sa kanyasa loob ng rehabilitation center.

"Actually doon, ‘pag medyo makulit ka doon, pinabubugbog kadun sa mga staff dun," kuwento ni Royette. "'Tapos physically 'pag nagkamalikami ng konti, haharap kami sa pader. 'Tapos pag pinaglinis ako ng banyo doon,pinakakamay sa akin, kamayin ko raw."

Sa kabila ng kuwentong ito ni Royette, pinilit namang magingmatigas ng kanyang ina na si Eva Cariño para sa ikabubuti ni Royette. Aniya, "Alam ko naman naghihirap siya dahil‘yon nga, labas-pasok siya sa rehab. Pero hindi ko rin puwedeng pabayaan na nasalabas na ganoon pa rin, alcoholic pa rin siya. Natatakot ako."

Samantala, sa Showbiz Central kahapon, January 6,ipinakita ang kasiyahan ni Royette ngayong nasa labas na siya ng rehabilitation,kasama ang kanyang pamilya.

"Well, siyempre masayang-masaya ako. Unang-una, nakasama ko yung asawa't anak konitong Pasko at nakatikim na ng kalayaan. So I'm very happy," paglalarawan niRoyette.

Sa kanyang paglabas, hiling ni Royette na magkasama-samasilang magkakapatid kasama ang kanilang ina.

"Sa mama ko, sa mga kapatid ko, sana magkasama-samakami. Patawarin n'yo na ako sa nagawako," hiling ni Royette. "Ang mama ko naman, through text, I'm happy namansumasagot siya. Unlike nung pagtakas ko, kalalabas ko, talagang kahit anonggawin ko, ‘Hintayin mo kung kelan kita gustong makausap.'"

Nilinaw rin ng aktor na wala siyang sama ng loob sakanyang ina. Aniya, "Naiintindihan konaman siya, e. Siyempre, wala namanggusto ang magulang para sa anak kundi ang mapabuti, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "So far, si Rommel [Padilla, his brother] parang nakikipag... parangspokesman ng pamilya. Siyempre, mgapayo na, ‘Hayaan mo, 'tol, parang sugat 'yan, maghihilom din.'"

Sa kanyang panibagong buhay, nais ni Rommel namagbalik-showbiz upang makaipon ng kanyang sariling pera.

"Kailangan ko siguro na magkaroon ng parang permanentengtrabaho," pahayag ni Royette. "Sanailabas-labas ako ng ni Robin para talagang kahit papaano masasabi ko na galingsa sarili ko ang pera, hindi galing sa tulong ng kapatid ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN