Joross Gamboa explains decision to leave Star Magic

"Yung mga nangyari before, parang wala naman akong pinagsisisihandun. Ang gusto ko lang, yung sa future ko kung ano'ng kalalabasan nun," explains Joross Gamboa about leaving Star Magic.



Hiwalay na si Joross Gamboa sa kanyang Filipino-Dutch girlfriend na si Carisheila May Kujipers. Hiwalay na rin ang ex-girlfriend niyang si Roxanne Guinoo kay Jake Cuenca. May nagsasabi tuloy na hindi raw kaya maging dahilan ito para muling manumbalik ang pagmamahalan nina Joross at Roxanne since pareho na silang available ngayon?

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joross kagabi, January 8, upang hingin ang reaksiyon niya tungkol dito.

Aniya, "Sa tingin ko, malabo nang maging kami ulit ni Roxanne. Masaya na kami na ganito na lang, na magkaibigan na lang. At saka hindi na ako nakikipagbalikan sa mga naging past ko."

Samantala, wala na sa pangangalaga ng Star Magic si Joross. Nang mag-lapse ang kontrata niya rito nung December ay hindi niya na siya nag-renew. Si Becky Aguila na ang humahawak sa kanyang career ngayon.

May paliwanag si Joross kung bakit si Becky ang napili niyang kuning manager.

Ayon sa kanya, "Kasi sa isang manager, hinahanap ko yung mapapagkatiwalaan, magaling, at the same time yung may bilib sa ‘yo, yung alam mo na gusto ka. At nakita ko ‘yon kay Tita Becky."

Hindi kaya ang ginawa niyang paglipat kay Becky ay admission na disappointed siya sa pangangalagang ginawa ng Star Magic sa kanyang career?

"Hindi ko naman masasabi na disappointed ako," paglilinaw niya. "Yung mga nangyari before, parang wala naman akong pinagsisisihan dun. Ang gusto ko lang, yung sa future ko kung ano'ng kalalabasan nun."

Masasabi rin ba niya na hindi dahilan ang ginagawang pagbibigay ng importansiya ng Star Magic sa mga baguhang talents nila as compared sa kanila na mas naunang naging talents ng Kapamilya network? Si Jake Cuenca, halimbawa, na baguhan pa lang sa Dos ay sunud-sunod ang mga proyekto at magbibida na nga sa Palos.

"Ako naman, ang iniisip ko, kung para sa akin ang isang proyekto, para sa akin talaga. Katulad pa rin ng dati, kung hindi para sa akin, hindi para sa akin. Ganun lang kasimple. Hindi ako insecure kay Jake na gaya ng sinasabi ng iba. Happy ako sa kanya na marami siyang trabaho kasi magkaibigan naman kami," paliwanag ni Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balitang sa paglipat ng manager ay kasabay rin ang paglipat niya ng network. Pero hindi maganda ang relasyon ngayon ni Becky sa GMA-7 dahil sa paglilipat ng kanyang mga alaga, gaya ni Angel Locsin, sa ABS-CBN. Hindi ba natatakot si Joross na baka hindi siya bigyan ng trabaho ng Kapuso network?

"Naging aware na rin ako sa ganung situation. Pero ang importante, yung hinahanap ko sa isang manager, nakita ko kay Tita Becky. Kaya kumbaga, wala akong kakaba-kaba. At saka nasa GMA na rin naman yun, e, kung gusto nila akong i-guest, di ba?" pagtatapos ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN