Toni Gonzaga apologizes for unintentionally snubbing fans

"Of course, as an artist, I know there's no excuse, so nag-a-apologizetalaga ako sa mga hindi ko napagbibigyan. Sa mga nakakakilala talaga saakin, I know alam nilang hindi totoo ‘yan," explains Toni Gonzaga about reports that she snubbed some of her fans.



Sa pagtatapos ng taong 2007 ay lumabas ang isyu na may mga nagrereklamong mga fans ni Toni Gonzaga dahil sa pang-iisnab diumano nito sa kanila nang humiling sila na magpa-picture kasama siya. Sa reklamong lumabas ng mga naturang fans, bukod sa hindi raw sila pinansin ni Toni ay nakasimangot pa raw ang TV host-actress na parang iritado sa ginawa nilang paglapit sa kanya.



Kamakailan din ay nabalita na marami raw mga fans na nanood ng Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition sa Araneta Coliseum noong Sabado, January 5, ang inirereklamo rin si Toni dahil ni hindi man lang daw magawa nitong gumanti ng kaway sa tuwing tatawagin siya, bagay na ikinaka-turn-off ng marami sa TV host-actress.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, January 6, kay Toni sa dressing room ng ASAP '08, ipinaliwang niya ang kanyang panig sa nasabing isyu. Humingi rin siya ng tawad kung nagawa man niya ang bagay na ito.



"Actually, matagal ko na talagang gustong i-clarify, lalo na nung last year, kasi naging lagarista ako ng taon. Um-OA ang schedule ko na tumatakbo ng PBB, tumatakbo sa taping ng Maging Sino Ka Man at shooting ng movie namin ni Sam [Milby]. In a day, tatlo ang nilalagare ko—sa umaga, pelikula; sa hapon; PBB; at sa gabi, Maging Sino Ka Man; or nagpapalit-palit lang sila.



"Regarding sa PBB, ewan ko ha, pero ako kasi, sa lahat ng natatandaan ko, very aware ako sa ganun. But if ever lang siguro na di ko sila napapansin, nakakawayan, o akala nila nagsusuplada ako, sana they can also understand na it's a show na di puwede ang bara-bara lang ang hosting. Kailangan talaga may concentration ka especially with your spiels kasi mahirap mag-memorize.



"Sa mga sumisigaw ng ‘Toni!' pasensiya na sila kung hindi ko sila masyadong napapansin. Actually, honestly, ‘pag nandun ka sa stage, you can only hear people in front na maririnig mo lang talaga ‘pag malakas ang sigaw nila. Saka nakakanerbiyos talaga ang live show," mahabang paliwanag ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap ni Toni na hindi pa rin ito excuse sa ‘tulad niyang artista, pero siniguro niya na hindi niya intensiyon na mambalewala ng mga tao, lalo na ng kanyang mga fans. Good thing, naging wake-up call din ito sa TV host-actress to be extra aware and conscious next time.



"I don't do anything intentional," saad niya. "Siguro nami-misinterpret lang nila. Of course, as an artist, I know there's no excuse, so nag-a-apologize talaga ako sa mga hindi ko napagbibigyan. Sa mga nakakakilala talaga sa akin, I know alam nilang hindi totoo ‘yan. But we're here in this business, I'm open naman to everything. Siguro mas magiging extra aware, mas conscious sa mga nangyayari."

MAGING SINO KA MAN. Samantala, marami ang nakakapansin na sa itinatakbo ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man, hinuhulaan ng iba na mamamatay sa istorya si Celine (Anne Curtis) at sina Toni at Sam na ang pinagpapares dito. Hindi kaya strategy ito ng ABS-CBN para painitin ang tambalang Toni-Sam dahil may pelikula silang tinatapos sa Star Cinema?



"Mahirap magsalita," pauna ni Toni. "Sa character ni Onay kasi, I can't reveal her character yet. Siguro abangan na lang siya ng tao kasi kung ano naman ang napapanood nila, yun ang nangyayari sa istorya. I'm not in the position to say anything, when it comes to my career, it's always management decision. Ako, I'm just doing my job."

PAUL SORIANO. Masaya ring ikinuwento ni Toni na sa bahay pala nila nag-Noche Buena at Media Noche ang boyfriend niyang si Paul Soriano.



Ayon kay Toni, "Masaya siya, nag-spend siya ng Noche Buena and Media Noche sa house with my family and relatives. Nung [Dec] 25 and January 1, sa bahay naman nila kami, nag-lunch kami with his family.



"Tatlong gifts ang ibinigay niya sa akin na very useful and pinag-isipan niya talaga. Isa yung ni-research niya sa Internet, yung isa gusto kong branded na bag, and the third one is yung watch na nakita ko sa mall na nagustuhan ko. Ako naman, I gave him something na magagamit niya sa pagdidirek and pag-e-edit... Basta something very useful," pagtatapos ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN