Maja Salvador keeps silent about rumored rift with talent manager

Young actress Maja Salvador keeps quiet for now about rumors that her manager, Chit Ramos (not in photo), has bolted out because of Maja's alleged attitude problem.



Bago matapos ang 2007, nabalita ang paghihiwalay diumano ng landas ng young actress na si Maja Salvador at ng talent manager niyang si Chit Ramos. Usap-usapan din na hawak na raw ng Star Magic ang pamamalakad sa career ni Maja.

Lumitaw na nag-ugat ang alitan ng dalawa sa huling presscon ng pelikulang One More Chance. Na-offend si Chit sa lead actor ng pelikula, si John Lloyd Cruz, na nagbiro na nililinaw niya na "menstruation" at hindi "orgasm" ang dumating kay Maja dahil sa kissing scene nila sa naturang pelikula. Ang ikinasama daw ng loob ni Chit sa alaga ay mas kinampihan pa raw nito si John Lloyd kesa sa kanya.



Sa maikling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maja sa ASAP '08 last Sunday, January 6, ay binigyang-linaw niya ang isyu tungkol sa kanyang manager.



"Siyempre po, Pasko, New Year, wala namang problema na agad-agad nasu-solve kaya kami dahan-dahan lang. Mahirap kasi yung pabigla-bigla tayo," panimula ni Maja.

Dagdag niya, "To be honest, ayoko muna talagang magsalita tungkol sa isyung ito."

Pero nilinaw ni Maja na si Chit pa rin ang manager niya dahil hindi pa tapos ang kontrata niya rito.



Lumabas din na sobra raw kung sagut-sagutin ni Maja ang kanyang ina at nasasaktan daw ang manager ng young actress para sa ina nito. Ang ipinagmamalaki daw kasi ni Maja ay siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.



"Alam ng Mommy ko ang totoo, yun lang po ang masasabi ko," matipid na sagot ni Maja nang tanungin ng PEP tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN