Kris Aquino will stop doing soaps and movies after "Patayin sa Sindak si Barbara"

"Nabasa ko recently na parang time management daw is so important andyung, especially for a mom, pre-school stage ni Baby James it willnever come back. Kapag studio kasi, nasasama ko sila. Si Josh, lumakisa ABS-CBN talaga. Pero kapag set, ang hirap. So, sabi ko, I don't likena," explains Kris Aquino about her decision not to make any soap operas and movies after Patayin sa Sindak si Barbara.



Nagbitiw ng salita si Kris Aquino na ang Sine Serye Presents The Susan Roces Cinema Collection: Patayin sa Sindak si Barbara ang huling teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN.



"Ayoko na," malungkot na sabi ni Kris sa presscon ng naturang horror series. "I miss the boys [Joshua and James Jr.]. Nung ano talaga, kasi parang nabasa ko recently na parang time management daw is so important and yung, especially for a mom, pre-school stage ni Baby James it will never come back. Kapag studio kasi, nasasama ko sila. Si Josh, lumaki sa ABS-CBN talaga. Pero kapag set, ang hirap. So, sabi ko, I don't like na," paliwanag ni Kris.

Pati pelikula ay ayaw muna raw gumawa ni Kris.



"I saw Direk Chito [Roño] sa Rockwell, 'tapos sinabi niya, ‘O, okay na ang katawan mo. Halika na [gawa tayo ng pelikula].' Sabi ko, ‘I don't like.' Karga-karga ko si Baby James. 'Tapos sabi niya, ‘Bakit?' Sabi ko, ‘Eto,' sabay turo sa kargang si BJ, ayaw," kuwento ng TV host-actress.



Ito ay sa kabila ng halos nasaid ang savings nila ng mister niyang si James Yap dahil sa pagpapatayo ng kanilang bagong bahay. In fact, wala silang regalo ni James para sa isa't isa last Christmas .



"Wala kaming money kasi, di ba, nagbayad kami ng house? So, walang regalo-regalo muna," sabi niya.

Sinunod daw kasi ni Kris ang payo ng kaibigan niyang si Boy Abunda na huwag umutang sa pagpapagawa nila ng bahay.

Sabi niya, "Kaya naitayo namin ang house namin with everything na walang utang. That was really Boy's, hindi advise, he demanded it. Dahil sinabi niya he has seen it daw, walang utang ang artista. Para hindi ka obligado na tumanggap ng trabaho na hindi mo gusto. Hindi ka obligado dahil alam mo may monthly payment ako, susunggab ka nang susunggab even if you think na hindi maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi most of us, di ba, napaka-unsure ng profession?" patuloy ni Kris. "Si James ma-injure, paano na kami? Ako, hindi mag-rate yung show, ma-cancel, paano ‘yon? So, sinabi talaga ni Boy, ‘You cannot, huwag.' Nagawan niya talaga ng paraan. I mean, yung last buhos na ano, naka-close siya ng tatlong major endorsements. Nagsara naman. ‘Tapos, tamang-tama, pumasok yung renewal ng kontrata ni James sa Purefoods, na talagang thank God na nabuo namin [yung bahay] na hindi kami umutang."



MOST EXPENSIVE GIFT. Kaya naman ang pinamakamahal na regalong natanggap niya ay hindi mula sa asawa kundi sa business tycoon na si Manny Pangilinan.

"He gave me an Impy Pilapil sculpture for the house. It's beautiful. Binigyan niya rin dati si Boy, kasi nasa dining room [yung sculpture]. Kaya ako rin, nasa dining room din namin. It's really beautiful.

"Hindi ko alam kung magkano exactly, pero siyempre that's a work of art, e. The cheapest daw is P300,000. E, yung sa akin, malaki na may puso. Personalized talaga kasi tinanong ako ni Manny, 'What design do you like?' ‘Tapos, sinabi ko. Kinumisyon talaga for me. Tinanong niya ‘yon, house blessing gift. So, from November ginawa and we got it Christmas. Siguro six weeks.

"Yung sa Mom [Cory Aquino] ko lang, dun sa bago naming house, she made sure before we move in, sabi niya, ‘Sa dinami-dami ng Buddha sa bahay na ‘yan, kailagang mauna si Sacred Heart.' So, meron siyang ibinigay na malaki, ‘tapos meron siyang Mama Mary na Our Lady of Guadalupe. ‘Tapos meron siyang rosary na painting na ibinigay. Sinabi niya sa assistant ko, si Cynthia, ‘Siguraduhin mo you hang this before any of her mga borloloys.' ‘Ayun," mahabang kuwento ni Kris.

POLITICS. Speaking of Kris's mother, lumabas sa news kamakailan na among the Philippines' past presidents after the Marcos regime, bukod-tanging si Cory lang daw ang puwedeng tumakbo ulit para sa posisyong ito. May balak ba ang ina ni Kris na tumakbo ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"No, she's not healthy," mabilis na tugon ni Kris. "I think also, what got her very tired was lahat ng tumulong kay Noy [Sen. Noynoy Aquino] for the campaign, pinersonalized niya yung Christmas card. Libu-libo 'yon. Suwerte-suwerte ng kapatid ko na may nanay siya na nagtiyaga talaga magsulat. So, yun lang."



Kung hindi puwede ang kanyang ina, bakit hindi si Kris na mismo ang pumasok sa politika?



"I don't like. Kasi you will lose your endorsement," diretso niyang sagot.



Mas pipiliin pa rin niya ang malaking bayad sa endorsement kesa maglingkod sa bayan?



"Hindi, hindi," paglilinaw niya. "Marami kaming three years na mga pinirmahan at nakalagay talaga doon na you'll return your money kahit na-fulfill mo na all the work. Nabasa ko. Sabi ko, ‘Bakit may ganito?' Isosoli mo yung ibinayad sa ‘yo kung tumakbo ka. Sabi ko, ‘Why is it like that?'



"Ganun talaga ang kontrata nila ngayon because of stars going to politics. It's already at their discretion kung ire-renew ka after. Siyempre naman, I understand also kung talo ka, you're not gonna be credible as an endorser na. E, lahat ng endorsement na kasama kay Baby James, hindi naman namin ginagalaw yung pera. Naka-trust fund for him para when he's 21, doon niya makakuha."



Magkano na ang trust fund ni Baby James?



"Secret. Basta mas mayaman siya sa amin!" natatawang sabi ni Kris.



Next month, February, magkasunod ang birthday nina Kris at James. May plano na ba sila kung paano nila ise-celebrate ang kanilang mga kaarawan?

"Wala rin," sagot ni Kris. "Hindi kami puwedeng mag-out of the county. Ongoing yung [PBA] season ni James. Huwag na lang. Hindi namin, parang ano... Siguro if ever, ano na lang, next year. Kapag naka-save na kami ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN