Willie Revillame denies owning "smuggled" Ferrari

The "smuggled car" report is the first issue being hurled at Wowowee host Willie Revillame this 2008. Last year, he became one of the most controversial showbiz personalities who figured in the "Wilyonaryo" controversy and word war with Eat Bulaga host Joey de Leon.


Nasa isang closed-door meeting ang host ng Wowowee na si Willie Revillame nang puntahan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio para kunan ng pahayag sa lumabas na balita sa isang TV news program na ang kanyang Ferrari car ay smuggled.

Tiyempo naman at lumabas ang personal assistant ni Willie na si Katia Montenegro, kapatid ni Nadia Montenegro, mula sa dressing room. Agad namin siyang kinuhanan ng paliwanag tungkol sa balita.

“Hindi kay Willie yun,” umpisa niya. “Binebenta pa lang sa kanya yung kotse. I think mga ilang linggo o isang buwan na inaalok sa kanya ng isang ahente, pero hindi pa niya binibili.”

Ang ahenteng tinutukoy ni Katia ay nagsisilbing middle man ng may-ari ng Ferrari.

“Actually, nand’yan siya [ahente] sa loob [dressing room],” sabay turo ni Katia. “Nung lumabas yung news kanina, pumunta siya kay Willie.”

Bakit pumunta ang ahente kay Willie?

“Para sabihin na hindi smuggled car yung binebenta niya kay Willie. Pinakita rin niya ang mga dokumento nung kotse. I think nagkaroon lang ng typographical error sa document nung kotse,” ang paliwang ni Katia.

Sa ngayon, tatlong kotse lang daw ang talagang nakapangalan kay Willie: ang kanyang second-hand na Hummer, Innova, at Toyota Hilux.

Patapos na ang usapan ng PEP at ng personal assistant ni Willie noong lumabas sa kanyang dressing room ang Wowowee host.

“Bibili ba naman ako ng ganun [hot car]?” bungad ni Willie.

Hindi na nagbigay ng pahayag si Willie. Bahala raw ang abugado niya na mag-ayos kung meron mang problemang dapat kaharapin si Willie tungkol sa balitang lumabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN