Kris Aquino is all praises for co-star Ms. Susan Roces

"She says na she loves my one-liner daw because I always make her laugh.Kasi, I remind her so much of Mary Grace [Susan's daughter] daw. ‘Tapossa akin naman, I always tell her, ‘You know, Tita Susan, you're so muchlike my Mom [Cory Aquino].' Nagkasundo talaga kami and I love her," says Kris Aquino about Ms. Susan Roces (inset).


Masayang-masaya si Kris Aquino sa pinakabago niyang programa sa ABS-CBN, ang horror-serye na Patayin sa Sindak si Barbara na kasalukuyan nang napapanood sa Primetime Bida. Bukod kasi sa ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN ang proyektong ginawa noon ni Ms. Susan Roces, natutuwa rin siya at nagkasama silang dalawa ng itinuturing na Queen of Philippine Movies.



Sinabi ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal), pinanood niya ang dalawang versions ng Patayin... bilang paghahanda sa kanyang role. Ginagampanan niya ang papel noon ni Susan, si Barbara.


Kuwento ni Kris, "Tita Susan sent me her copy and she was in a bathing suit and I told her, ‘Sexy ka, Tita Swanie ha!' Yung sa original, kay Tita Susan, she's so very beautiful and yung fashion na suot niya roon, bumalik pati yung makeup, false eyelashes. Sinabi ko pa sa kanya na daring siya that time. And sinabi niya sa akin, ‘Dapat naka-bathing suit ka.' Then sabi ko, ‘Okay.'



"Then sa version ni Direk Chito Roño [starring Lorna Tolentino], hindi siya gumamit ng doll, si Antoinette Taus ang sinaniban, siya yung nakakabilib. Yung performances niya nakakabilib.



"Iniba talaga itong sa amin, ni Joel Mercado, our writer, parang ginawa niya talagang malalim. Kaya hindi nito kinopya alinman sa dalawang versions. Tita Susan's character in the original is also a nurse in the States. Pero ngayon, mas realistic talaga. So many talaga of our medical professionals are abroad."

Inaasahan din ni Kris na magugustuhan ng televiewers ang Patayin sa Sindak si Barbara. Base nga sa first few episodes nito ay mataas ang nakukuha nitong rating.



"The audience that made me Box-Office Queen twice, sa Feng Shui and Sukob, ‘yon ang ine-expect kong matutuwa rito talaga. Parang ini-enjoy nila ang horror ‘pag ako ang nag-horror. Feeling ko, matutuwa sila kasi it's a nightly experience talaga. What I love about it, e, if you watch it, movie'ng-movie talaga ang dating kaya nakakatuwa. Talagang pinaghirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"And I was just a fan of Chuckie [the horror doll] and we have also here si Chelsea . But I hate the doll. Kasi lahat ng delays namin, e, dahil sa manikang ‘yan. Ang tagal kasi automated siya. And there's three versions of the doll. And yung effects, remote control ‘yan. Siyempre minsan, yung remote control na ‘yon, nag-i-interfere dun sa audio. ‘Tapos minsan, yung battery namamatay. Hay, nakakaloka siya!



"The preparation came from Joel Mercado, the writer. Kaming dalawa ‘yong nag-meeting. And because I've worked with Direk Gerry Sineneng in the past sa Hiram, gamay na gamay na namin ang isa't isa. Then, nakatulong siguro ‘yong lagi naming pagtsitsikahan ni Tita Susan all the time sa set and nagbibigay siya ng ilang insights."



Ikinuwento pa ni Kris kung paano sila naging close ni Ms. Susan, na siya namang gumaganap na ina ni Jodi Sta. Maria bilang Ruth.



"You know what's lovely about her? She doesn't dictate. Yung sinabi sa akin ni Tita Susan is that Barbara's character is hungering for love and acceptance. So yun daw dapat ang iniisip ko. In the portrayal, she would do everything para matanggap nung mother."



"Ang taping day kasi ng John En Shirley is taping day din ng Deal Or No Deal. Every night talaga nakikikain ako sa kanila. Kaya we really had strong bonding. Now we got to work closely together. Mas marami talaga akong natutunan. She says na she loves my one-liner daw because I always make her laugh. Kasi, I remind her so much of Mary Grace [Susan's daughter] daw. ‘Tapos sa akin naman, I always tell her, ‘You know, Tita Susan, you're so much like my Mom [Cory Aquino].' Nagkasundo talaga kami and I love her.



"Si Nanay Doray nga, she's so maasikaso talaga, pati na lahat ng favorite food ko inaalam na nila at ‘yon ang dinadala nila. And ‘pag sinabi ko na diyeta muna ako, yung favorite pipino [cucumber] salad ko ang dinadala nila for me," pagtatapos ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN