Pauleen Luna says it's too early for her to be "First Lady of Valenzuela"

"Okay na okay kami. I'm very happy dahil bukod sa maganda, peacefulyung relationship namin. His family is very nice, napakabait ng daddyat saka ng mommy niya. Parang siya, sobrang simple," says Pauleen Luna about her boyfriend, Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.


Kuntento si Pauleen Luna sa kanyang showbiz career at lovelife. After Marvin Agustin, mas tahimik at kaunti ang intriga sa kanya dahil non-showbiz ang boyfriend ngayon ng aktres.

Seven months na ang relasyon nila ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian ngayong January 19 at aminado si Pauleen na habang tumatagal ay mas lalong gumaganda ang kanilang relasyon.

"Yeah, it's quite deep, yung relasyon namin, pinaka-serious ko talaga ito. Kasi almost seven months na kami, ang bilis e," banggit ni Pauleen sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy ng young actress, "Okay na okay kami. I'm very happy dahil bukod sa maganda, peaceful yung relationship namin. His family is very nice, napakabait ng daddy at saka ng mommy niya. Parang siya, sobrang simple."

So, puwede bang sabihin na siya na ang magiging first lady ng Valenzuela?

"Hindi pa, matagal pa, I'm just 19 years old," nakangiting sabi ni Pauleen. "And so is he [Sherwin, 33 years old], madami pa siyang dreams na gustong ma-fulfill. Actually, ito namang pagme-meyor, he doesn't need this. Actually, it takes pa so much of his time and energy, but he just wants to prove his importance to this country and he cares so much for the country."

Tungkol naman sa kanyang career, sinabi ni Pauleen na kuntento na siya sa takbo nito.

"Actually, ako kasi, hindi naman ako mapili, e. I always tell Nanay Lolit [Solis, her manager], sabi ko, ‘It's up to you ‘Nay. If you think it's gonna be good for me, get it. If you think 'no', then don't.' Hindi naman ako maarte, I do supporting roles, I do lead roles also. I host, I act, I dance, I sing. So, ako, whatever that's given to me, I just grab it.

"Pero ito ang regular ko talaga, Eat Bulaga!, this is the really fun playground to play in. Parang hindi trabaho bale, pero ito kasing trabahong ito, yung hindi mo na talaga maiiwang trabaho, e," sabi ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EAT BULAGA! Speaking of Eat Bulaga!, inusisa rin ng PEP si Pauleen kung ano ang ginawa nilang formula para muling iwan sa ratings game ang katapat nitong programa.

"Ganoon naman talaga, e," sambit niya. "Pero kasi, ang numero unong goal lang namin talaga ay makapagpasaya ng mga tao at makatulong sa mga tao. Kung tumaas ang rating, e, di suwerte, bonus na lang bale ‘yon. It's just like an actress working, you work to do well in your craft and kapag nagka-award ka, bonus na lang bale ‘yon."

Hindi ba ganoon kaimportante yung ratings para sa kanya?

"Of course, it's important in a way, because masarap sa pakiramdam ‘yon, e. Yung may nakukuha ka out of your work and sa pagod mo. But as I've said, ang main goal namin is to make the people happy and to help them.

"Isa pa, dito [sa Eat Bulaga!], we are a family, we don't do this to hurt other people. Ang ginagawa namin ay para sa mga tao, sa mga suki ng Eat Bulaga, sa mga loyal Dabarkadas na laging nakatutok, sumusubaybay, at sumusuporta sa amin. Hindi kami direktang nakikipaglaban, kundi nakikipaglaban kami sa mga sarili namin para mas gumaling kami at mas maganda lagi ang mai-o-offer namin sa televiewers," paliwanag ni Pauleen.

ON GOING SEXY. Dahil parang trend sa mga young star na mas maging daring sa movies, mag-pose sa men's magazine, do sexy calendars, siya ba ay kaya rin ang magpaka-daring?

"To each his own kasi ‘yan, e, and kung sa kaya, kaya naman yata ng lahat ng tao ‘yon. Pero to each his own nga, e, case to case basis. So, if you think it's gonna do good for you, then do it. Like sina Katrina [Halili], it did well for them. But if you're happy naman with your status right now... Kasi my parents and my relatives are very conservative, especially the parents of Sherwin. The mom of Sherwin is a pastor, so...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, kinu-consider ko siyempre. For the good of everyone, I'm not naman selfish, e. Hindi lang para sa akin, If I know that my relatives will gonna get affected like my lola, my lolo, I will not do it naman for myself lang," pahayag ni Pauleen.

Pero paaano kung ang susunod na intriga sa kanya ay napapag-iwanan na siya ng ibang young stars?

"Okay lang po ‘yon," sagot niya. "I really don't need the money for myself. But like what I've said, it's the craft that I want to do well and I want to do prove to myself na I can do stuff, that you're not just a pretty face. So ako po, I just do well in everything that is given to me, it doesn't matter what it is.

"So, okay lang po kahit sabihin nilang iniiwan na ako nang milya-milya ni ganitong young star. Wala na akong pakialam sa intriga, unless it touches my personal life. But kung ganyang intriga lang, okay lang ‘yon. Hindi ako maaapektuhan, basta happy naman ako dito sa Eat Bulaga! at saka kay Sherwin, sa family ko," pagtatapos ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN