FIRST READ ON PEP: GMA-7 tells ABS-CBN not to interfere with Cristine Reyes's career

Young sexy actress Cristine Reyes will not be able to jump to ABS-CBN, even if she wants to. Although her contract with GMA Artist Center will expire this February, GMA-7 has the first option to renew Cristine's contract.



Napakaraming kaugnayan ngayon ng young sexy actress na si Cristine Reyes sa ABS-CBN.

Nandoon na pansamantala ang kanyang kapatid na si Ara Mina na pasok sa second season ng Prinsesa ng Banyera. Balitang malapit din si Cristine ngayon kay Willie Revillame, ang host ng Wowowee. Sa Guam episode nga ng nasabing noontime show ng Kapamilya network ay lumabas si Cristine, kahit na nag-promise siya na bakasyon lang ang habol niya sa pagsama niya sa kanyang Ate Ara, na special co-host that time ni Willie.

Balita ring may inaalok na ang ABS-CBN kay Cristine, a gag show na pagsasamahan ng ex-Kapuso stars like Valerie Concepcion and Iya Villania. Naging mas matunog ito lalo na't pagkatapos tanggihan and later on ay kunin ulit ang papel niya para sa Joaquin Bordado nina Robin Padilla, Iza Calzado, at Mark Herras, tinanggihan muli ito ni Cristine for the second time.

Ngunit walang magagawa si Cristine but to abide by her GMA Artist Center contract dahil balitang sumulat na ang abogado ng GMA-7 sa ABS-CBN not to interfere with Cristine's career.

Magtatapos man ang contract ni Cristine sa GMA Artist Center this February, may first option to renew pa ang star management department ng Kapuso network sa StarStruck 1 Avenger for another three years.

Nagtataka nga ang GMA Artist Center kung bakit atat si Cristine na lumipat na at suwayin ang mga pinag-uutos nila—tulad nga ng pag-appear niya sa Guam episode ng Wowowee—gayonghindi naman siya pinapabayaan ng GMA-7 at pawang mga magagandang roles ang inaalok sa kanya.

Ang pangalan pa lang ni Cristine ang nakakabit sa isa sa mga binubuong Sine Novela ng GMA-7, ang remake ng Eva Fonda, 16 na siyang nag-launch noon kay Alma Moreno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN