Judy Ann Santos thankful for a prosperous year

"Ang ganda-ganda ng pagsasara ng taon [2007] sa amin at napakaganda rinng pagbukas ng 2008 sa amin. Thank you talaga dahil parang ngayon langyata ako nakaranas na may relationship ako, pero ang ganda-ganda ngtakbo ng buhay sa akin," says Judy Ann Santos.



Sa ginanap na victory cum farewell presscon para sa dalawang bida ng Sakal, Sakali, Saklolo (SSS) na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa 14th Floor ng ELJ Building noong January 9, obvious sa mga ngiti at tawa nila na nakapag-relax na sila at masayang-masaya sa naging outcome ng 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila.

Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Juday kung ano ang masasabi niya na bagama't number one sa box-office ang SSS, nabigo na naman itong maiuwi ang Best Festival Picture award dahil pumangalawa lang ito sa pelikulang Resiklo. Matatandaang noong 2006 MMFF, kahit na ang Kasal, Kasali, Kasalo (KKK) ang opisyal na nag-No. 1 ay ang Enteng Kabisote 3 pa rin ang nag-uwi ng Best Festival Picture trophy.



"Thank you!" tawa niya. "Wala kaming masabi ngayon kundi thank you na lang. Kasi, they have their own regulations already. Maintindihan man o hindi ng mga tao ang regulasyon ng MMFF, what's important is naging topgrosser kami. And that's what really matters now.

Dagdag niya, "Thank you pa rin kasi, at least, nakasama kami sa tatlong best picture. Nagawa na rin namin yung obligasyon namin na makapagbigay ng magandang movie right after KKK."



Ano naman ang mensahe nila sa mga taong nanood ng movie at nag-akyat sa Star Cinema ng daan-daang milyon na kita sa takilya?



"Whew, sobrang thank you!" bulalas ni Juday. "Ang ganda-ganda ng pagsasara ng taon [2007] sa amin at napakaganda rin ng pagbukas ng 2008 sa amin. Thank you talaga dahil parang ngayon lang yata ako nakaranas na may relationship ako, pero ang ganda-ganda ng takbo ng buhay sa akin. Wala po sanang babati [sabay knock on wood niya]. Ipinagpapasalamat ko po talaga na natanggap finally, personal and professional, talagang hiwalay. Thank you po na anuman ‘yon, naintindihan."



Hindi rin ikinaila ni Juday at mabilis ang naging sagot na sa buong buhay niya, maikukunsidera niya raw sigurong ang taong nagdaan ang pinakamaganda sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ay, oo! Nang bonggang-bongga! 2007 is the most prosperous year for me. Ipinagpapasalamat ko ‘yon talaga dahil kahit paano, nakakaalagwa naman kami. ‘Tapos, maraming nase-settle na bagay-bagay.

"At the same time, ito ‘yung... Hindi ko kinakatakutan, pero never in my wildest dream na naiisip ko na magkakaroon ako ng maraming projects or commercials. Talagang ipinagpapasalamat ko talaga ‘yon sa Diyos. Kasi, sino ba naman ang mag-iisip na... Pero yung tiwala ng mga advertisers, ipinagpapasalamat ko talaga sa kanila," masayang lahad ng aktres.



Ilang beses na rin naudlot na maging Box-Office Queen si Juday kahit na talagang pumapatok sa takilya ang mga pelikula niya. This year kaya sa tingin niya ay may posibilidad na matuloy na ito? Bukod kasi sa SSS ay naging big hit din ang horror movie niya sa GMA Films at Viva Films, ang Ouija.



"Hindi natin masasabi!" maagap na tugon niya. "Hindi natin masasabi kung ano ang mga pagbabagong puwedeng maganap. Basta kung ang iniisip ng mga tao ay ganoon, okay na ako sa ganoon. Mas paniniwalaan ko.



"Although, no offense meant to Guillermo [Mendoza Memorial Award], it's just that ilang beses na rin kasing nangyayari yung ganyan. Nirerespeto ko kung ano ang desisyon na gagawin ng Guillermo. Ang sa akin lang, mahanay lang or maisip lang ng mga tao na Box-Office Queen, okay na ako dun. Mas importante yung iniisip ng masa at viewers," pagtatapos ni Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN