Manny Pacquiao says controversial Internet photos are meant to destroy him

Photos of Manny Pacquiao with an unidentified woman, like this one, are now circulating on the Net.

More photos



Kalat na kalat na ngayon sa Internet ang mga litrato ng boxing champ na si Manny Pacquiao kasama ang dalawang babae—hindi ang misis niyang si Jinky Pacquiao—habang nasa loob diumano ng Embassy Bar sa The Fort, Taguig City. Ang mga naturang larawan ay nailabas na rin ng isang daily nationwide broadsheet kahapon, January 9.

Ipinadala rin ang mga larawang ito ni Pacquiao sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email. Pitong larawan ang nakuha ng PEP, kung saan naka-pink na long-sleeve polo si Manny.

Dalawa sa mga litratong ito ay kasama ni Manny ang isang babae na naka-empire cut top habang nakikipagsayaw. Sa limang larawan naman ay kasama ng Pambansang Kamao ang isang babae na naka-green.

Kumpara sa naka-empire cut na babae, mas nakakagulat ang mga larawan ni Manny kasama ang babaeng naka-green. Makikita sa mga larawan na magkadikit ang mga katawan ng dalawa at meron ding magkadikit ang kanilang mga mukha, na tila nagbubulungan.

Base rin sa mga larawan, masasabing nasa dance floor si Manny kasama ang dalawang babae dahil may mga nagsasayaw ring iba sa paligid nila. Sa isang larawan ay makikita ang spokesperson at matalik na kaibigan ni Manny na si Reli de Leon.

Sa pagkakalap ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga kontrobersiyal na mga litrato ni Manny, isang source ang nagkumpirma na kuha nga sa Embassy ang naturang mga larawan noong December 12, 2007. Ito rin daw yung mga panahong frequent visitor ng Embassy si Manny.

Kinuhanan rin ng PEP ng official statement si Tim Yap, ang part-owner ng Embassy. Narito ang kanyang pahayag:

"Embassy as an establishment will always uphold the confidentiality of our valued customers. Whatever we see and hear from other people, that's part of their own freedom and responsibility. It's their own discretion to do what they choose to do. In the end, we are just after good, clean, wholesome fun. We say no to violence and anything immoral in the eyes of the public. We have installed 64 roving cameras and bouncers inside and outside the club for added security, not to mention police mobiles and precinct right outside the club. Plus roving security. In the end though...whatever happens inside the club, stays inside the club."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, mula sa isa pang source ay napag-alaman ng PEP na ang pangalan diumano ng babaeng naka-green na kasama ni Manny ay "Donna," na kamukha raw ng sexy actress na si Diana Zubiri.

Sa panayam ng 24 Oras kay Manny kagabi ay sinabi nitong matagal na raw nakunan ang mga naturang mga larawan at paninira lamang ito sa kanya.

More photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN