Cristine Reyes vows to honor contract with GMA Artist Center

Is she going to be a Kapamilya after her contract with GMA Artist Center expires? Cristine Reyes, at present, is firm in saying she's happy with the Kapuso network. But that was also what her elder sister Ara Mina said before receiving ABS-CBN's offer, so, let's all wait and see.


Unlike before, subdued atmore relaxed si Cristine Reyes sa pagsagut-sagot sa mga intrigang kinasasangkutanniya. Halatang in the mood ang StarStruck alumna nang pasyalan siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa set ng Ate, ang shooting ng pelikulang pino-producemismo ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina, sa SpeakerPerez Street, Quezon City.

"Sobrang thankful talagaako sa suporta ni Ate [Ara] rito," banggit ni Cristine. "Hindi namanako pampered o spoiled sa shooting, kasi talagang kailangang matapos agad ito. Angadvantage, parang sa akin na rin ang production kaya walang dahilan para magingpasaway ako o maging problema sa set."

May kainitan ang mga isyung ipinupukol kayCristine, lalo na yung pagkaka-link niya kay Willie Revillame, pero tinatawananlang niya ang ito.

"Kakulitan ko kasi 'yangsi Willie. Barkada ang turing namin sa kanya ni Ate. May gimikan kami kungminsan, pero nothing serious o sinasabing ligawan sa amin ni Willie. Parangkuya ko na rin nga 'yan. Wala talaga, maniwala man sila o hindi," ang sabi ng natatawang si Cristine.

Nakasakay na rin pala siya sa red Ferrari ni Willie na naging controversial dahil "hot car" diumano ito.

"Wala na kay Willie angFerrari, isinoli na niya," kuwento ni Cristine, na tila updated sa mga pangyayari sa buhay ng controversial TV host.

Sa pagpapatuloy niya, "Yeah,kami ni Ate, sumakay na sa hot car na yun. In fairness, hindi naman namin alamna ganoon yun, even Willie siguro. Kaya nga isinoli na niya para walang gulo. Wala naman akong idea how much that Ferrari costs. Bastaniyaya lang kaming mag-joyride kasama ni Ate, at siksikan pa nga kami roon.Maliit nga ang space, eh."

Tila sinasadya raw niCristine na gumawa ng ganitong mga isyu para mainis ang GMA-7 sa kanya at tuluyan na siyang pakawalan. Lumalabas kasi ang bali-balita na lilipat natalaga si Cristine, at mayroon pa ngang nakaabot na reports sa PEP na may agreementna raw si Cristine at ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hay, naku, walangganyan!" sabi pa ni Cristine. "Nasa GMA-7 pa rin ako. Happy pa rinako sa kanila. Hindi porke nagtatrabaho na si Ate sa ABS, lilipat na rin ako. Maycontract pa rin ako sa GMA-7, and we have to honor that. Ngayon, kung wala nangcontract, that we have to see."

Anytime daw, matatapos na rinang contract ni Cristine sa GMA-7, at may option to renew, in favor of GMA-7,na nakasaad sa dito.

Aniya, "Well, I don't knowabout that. Kasi wala pa naman akong balak lumipat. Inuunahan na lang kasi kami ng mga controversy. Kung ayaw nilang maniwala na hindi ako lilipat, eh, 'dihintayin na lang nila kung magkakatotoo ang mga haka-haka nila. Kasi kahit anopa ang sabihin ko, kung hindi nila ako paniniwalaan, para ano pa?"

Kaugnay pa rin ng balitang paglipat niya, may surprise female star dawsa cast ng Palos, ang upcoming TV series nina Cesar Montano at Jake Cuenca sa ABS-CBN. Ipinapakita angteaser at parang merong female Palosna medyo natatakpan ang mukha and in some angles ay kamukha raw ito ni Cristine.

"Uy, bago 'yan! Walangganyan. Hindi ako basta makakagawa ng move hangga't hindi tapos ang contract ko at walang maayos na pag-uusap. Wala akong balak na iwan ang GMA-7,at kung magkaroon man, hindi sa ganyang paraan.

"Puwede akong mademandakung ganyan ang gagawin ko, kaya imposible. Stick muna ako sa GMA-7 at itomunang mga trabahong ibinibigay nila ang haharapin ko, at itong movie namin niAte, na super-excited talaga ako dahil acting vehicle na rin ito para saakin," ang nasambit pa ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN