Katrina Halili's birthday concert a success!

Three years after StarStruck alumna Katrina Halili bagged the Black Darna role in GMA-7's Darna (2005), she is now considered one of the brightest stars of her batch.


Very successful ang naging birthday concert ni KatrinaHalili sa Zirkoh Timog noong nakaraang Sabado, January 12. Kahit na malakas ang ulan aynapuno ang naturang venue at inabangan nga nila ang kaseksihan ni Katrina sa entablado.

Maiyak-iyak nga raw si Katrina dahil hindi niya akalain nakakayanin niyang mapuno ang Zirkoh. Kahit nga kontrabida siya sa Marimar bilangsi Angelica Santibañez ay napatunayan niya na marami pala siyang tagahanga.Kung noong daw ay pa-guest-guest lang siya, ngayon ay sariling show na raw niyaiyon at malaking success pa.

Nabanggit nga ni Katrina sa mga interviews niya na gustonaman daw niyang subukan ang comedy dahil for the past three years ay purodrama ang ginagawa niya.

“Pero hindi ko naman inaalis ang pagiging kontrabida. Okeypa rin sa akin ang gano’ng role pero sana mapahinga naman ako kahit saglitlang. Pero ayoko naman ng sobrang matagal na pahinga. Baka mawalan naman ako ngwork.

“I want to try yung iba’t ibang roles naman. Pero kung satingin nila na para sa akin ang isang kontrabida role ulit, okey lang naman saakin. Basta may trabaho, okey sa akin,” ang sabi ng kasalukuyang Sexiest Pinay ng FHM.

Pinabulaanan din ni Katrina na nagkabalikan na sila ngkanyang ex-boyfriend na si Andrew Schimmer. Parati kasi silangnakikitang magkasama lately at noong birthday party niya sa Barraks ay hindiraw ito umalis hanggang hindi natatapos ang party niya.

“Wala ‘yon. Kami naman ni Andrew, friends kami noong maghiwalay.Up to now, good friends kami. Hindi kami nagkabalikan kasi hindi ko na siyagustong maging boyfriend!” sabay tawa niya.

Dagdag pa ni Katrina, “Gusto ko bilang kaibigan na lang.'Tsaka magkasama kami ngayon sa Marimar kaya mas madalas kaming magkita ngayon.Wala naman sigurong masama roon, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN