Bayani Agbayani denies involvement in Cesar-Sunshine separation

"Kung ano ang nangyayari sa kanila, normal na nangyayari sa isangmag-asawa. Hindi naman laging masaya kayo, minsan nagkakaroon ngsigalot, ng problema. Ganun talaga ang mag-asawa, pero tingnan mo atmaaayos at maayos din naman," explains Bayani Agbayani about the ongoing problem of Cesar Montano and Sunshine Cruz (inset).



Sa pagputok ng balita tungkol sa paghihiwalay nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, lumabas sa kuwento na isang malapit na kaibigan daw ni Cesar ang hiningan ng kumpirmasyon ni Sunshine tungkol sa illicit affair ng kanyang mister sa isang Brazilian commercial model.



Lumabas ang pangalan ni Bayani Agbayani, matalik na kaibigan ni Cesar at malapit sa pamilya ng aktor, na siyang nagbuko kay Sunshine tungkol kay Cesar at sa modelo. Ayon sa lumabas na kuwento, sinugod daw ni Sunshine ang komedyante at binantaan ito na kung hindi siya aaminin tungkol sa asawa at sa Brazilian commercial model, na nagngangalang Mariana del Rio, ay ibubulgar naman ng aktres sa asawa ni Bayani na si Len-Len ang mga nalalaman niya tungkol dito.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bayani sa oath taking ng bagong set of officers and board members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Acacia restaurant, Greenhills, kahapon, January 13, nilinaw agad ng komedyante na hindi siya nakialam kahit kailan sa gulong ito lalo't away raw ito ng mag-asawa.



"Unang-una, hindi ako nakikialam sa away ng mag-asawa," diin ni Bayani. "Anu't ano man ang pag-awayan nila, hindi ako puwedeng makihalubilo kasi kanila ‘yon.



"Regarding sa lumabas na sinugod daw ako ni Sunshine at blinakmail, illogical ‘yan. Best friend at parang kapatid niya ang asawa ko. Kung may alam siya sa akin, definitely sasabihin niya ‘yon kahit walang nangyaring ganito. Hindi puwedeng sabihin sa akin ni Sunshine na, ‘Pag di mo sinabi sa akin ang totoo, sasabihin ko kay Len-Len ang nalalaman ko sa ‘yo.' Kahit wala kang sasabihin sa akin, sasabihin ko yung nalalaman ko sa ‘yo," paliwanag ng komedyante.



Dagdag pa ni Bayani, wala siyang alam tungkol sa sinasabing relasyon diumano ni Cesar at ni Mariana. Hindi niya raw personal na kilala ang nasabing Brazilian model, taliwas sa mga balita na siya raw ang nagpakilala dito kay Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Unang-una, hindi ko talaga alam ang tungkol sa isyu na ‘yan, so hindi ako puwedeng tanungin tungkol dun. Kung may kinalaman ako dun, mismong ang asawa ko ang magagalit sa akin. Kung ano ang nangyayari sa kanila, puwedeng mangyari sa amin. Sabi ko nga, kung ano ang ginawa ni Cesar, ginawa ko rin ‘yon.



"Dun sa isyung ako raw ang nagpakilala dito kay Buboy, ito ba namang hitsurang ito, makakapasok sa ganung kagagandang babae? Mayroong picture, pero picture ng grupo; group picture na lahat ng klase ng tao, puwedeng gawin ‘yon," depensa pa ni Bayani.

Binigyang linaw rin ni Bayani na walang gulo sa pagitan nila ni Sunshine. Katunayan nga raw ay tuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa tulad din ng patuloy na closeness ni Sunshine at ng asawang si Len-Len.



"Mula pa nung New Year hanggang kagabi [January 12], magkausap kami," sabi ni Bayani. "Nagkaroon ako ng maliit na salu-salo for my birthday, dapat pupunta si Sunshine kaya lang mayroon yata siyang mga gagawin. Nag-text naman siya sa akin na, pasensiya na kasi marami raw siyang ginagawa. Nag-uusap kami, nagte-textan."

Dagdag niya, "Sina Sunshine and Len-Len ang laging magkausap, hindi ako nakikialam. Kasi yung usapan ng mga babae, sa babae lang."

Hindi man nagbubukas ng totoong saloobin niya si Cesar kay Bayani ay naro'n pa rin ang suporta ng komedyante sa kaibigan.



"Ang suportang ibinibigay ko kay Buboy, ‘pag nahahalata kong malungkot siya, inaaya ko siyang mag-baskteball, swimming, or boxing. Nung dumating siya from Macau two days ago, nag-usap kami, nasa Mojo [gym] siya. Pagdating ko, kaaalis niya pa lang. ‘Tapos sunud-sunod ang taping ng Palos, araw-araw trabaho siya. Pero kagabi, magkasama sila ni Sunshine sa taping ng Palos," kuwento ni Bayani.

Bilang isa sa malapit na kaibigan nina Cesar at Sunshine, positibo si Bayani na maaayos pa rin ang gulo sa pagitan ng mag-asawa. Para kay Bayani, lahat ng relasyong mag-asawa ay dumadaan sa ganitong mga pagsubok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ako, naniniwala ako na maaayos ‘yan," sabi ni Bayani. "Alam naman kasi namin ni Cesar na kung ano ang nangyayari sa kanila, normal na nangyayari sa isang mag-asawa. Hindi naman laging masaya kayo, minsan nagkakaroon ng sigalot, ng problema. Ganun talaga ang mag-asawa, pero tingnan mo at maaayos at maayos din naman."

Regular na napapanood si Bayani sa That's My Doc at isang proyekto ang inaayos ngayon ng ABS-CBN kung saan makakasama rin siya. Masaya rin ang komedyante dahil sa pagdating ng bunso nilang anak ni Len-Len na si Maria Zharina, now two months old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN