Jinggoy Estrada dismisses report linking him to Sunshine Cruz

In a tabloid report that came out yesterday, January 13, Jinggoy Estrada was linked to actress Sunshine Cruz (inset), but the actor-politician vehemently denied this.



Idinawit ang pangalan ni Jinggoy Estada sa headline ng isang tabloid kahapon, January 13, sa hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz dahil pilit na inuugnay ang actor-politician sa aktres. Ayon pa sa balita, niregaluhan ni Jinggoy ng singsing si Sunshine.

"Hindi naman," tanggi ni Jinggoy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa victory party sa pagkakapanalo niya bilang Best Actor sa 2007 Metro Manila Film Festival para sa Katas ng Saudi.



Dagdag niya, "Alam mo, lumang isyu na ‘yan. At ngayon, uulit-ulitin ko, hindi ko naging girlfriend si Sunshine."



Ano lang ang naging ugnayan nila ni Sunshine?



"Wala," diin niya. "Meron kaming pinagsamahang pelikula noon na tumalakay ang kuwento tungkol sa isang rape-slay victim kung saan nanalo ako bilang Best Supporting Actor."



Pero muntik daw niyang niligawan noon si Sunshine, ayon sa ilang sources. Totoo ba ito?



"Wala, wala. Never! Ni hindi ko hinawakan ang kamay nun, e," tanggi ni Jinggoy.



What about yung singsing na diumano'y iniregalo niya kay Sunshine?



"Hindi totoo ‘yon. E, ako nga, ni hindi nagsusuot ng singsing. Hindi rin ako nagre-relo. Kaya hindi rin ako marunong pumili ng singsing," paliwanag niya.



Pakiusap ni Jinggoy na huwag na raw siyang idawit kay Sunshine dahil wala talaga silang nakaraan ng misis ni Cesar. Wala rin daw dapat ipag-alala ang misis ni Jinggoy na si Precy Ejercito.



"Wala! At kahit si Cesar, wala dapat. Mamatay na ako!" sumpa niya.



Marami naman ang naniniwala na wala silang relasyon ni Sunshine. Katunayan daw ng hindi niya pagiging malikot sa babae ang hindi niya pagkakaroon ng anak sa labas.



"Wala, wala akong anak sa labas. Mahigpit ang asawa ko. Parang si Jaworski kung magbantay!" natatawang sabi ni Jinggoy.



Puro forward na nga lang daw si Jinggoy dahil sa higpit ng guwardya niya.



"Paminsan-minsan lang ‘yon...kapag nakapikit [si Precy niya]," biro ni Jinggoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa niya, hindi raw siya nagmana sa kanyang ama na si dating pangulong Joseph Estrada, na hindi naman kaila na matinik sa mga babae at may mga anak liban sa asawa nitong si Senator Loi Ejercito.



"E, discreet ako!" tawa ni Jinggoy.

Dahil dito, naungkat din ang isyu tungkol sa kanila ni Beth Tamayo na kamakailan ay umamin sa relasyon niya dati kay Jinggoy.



"Oo na," kumpirma ni Jinggoy. "Pero matagal na ‘yon. Huwag na nating buhayin."



Pero totoo kaya na niregaluhan niya ng bahay si Beth?

"Wala. Galing sa asawa niya ‘yon. E, di sana ibinigay ko na lang sa anak ko," sabi ni Jinggoy.

Samantala, wala pa ring katiyakan kung ano ang plano ni Jinggoy sa 2010 elections. May mga nagsasabi na tatakbo siya bilang vice-president, pero itinanggi ito ng actor-politician.



"Wala pa. It's too early to tell. Marami pang mangyayari. May mga coalition pa na mangyayari sa mga political parties. ‘Tsaka unang-una, wala namang nag-o-offer sa akin. Wala namang kumukuha sa akin. Ako naman, hindi ako nakikipag-usap. Hindi ko naman pinipresenta ang sarili ko sa mga presidential aspirants," pahayag niya.



Sinabi rin ni Jinggoy na maging ang kanyang ama ay wala pa rin daw konkretong plano para sa 2010 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN