Carlo Aquino says he has nothing to do with Maja's rift with her manager

"Wala akong alam sa nangyayari sa kanila. Hindi naman nag-o-open up saakin si Maja tungkol dito. Malinis ang konsensiya ko na wala akongginagawang masama kay Tita Chit [Ramos] at kay Maja," says Carlo Aquino about the feud between Maja Salavador and her talent manager.



Good start for young actor Carlo Aquino's career this year ang pagkakasali niya sa cast ng bagong Sine Novela ng GMA-7, ang Maging Akin Ka Lamang na pagbibidahan din nina Nadine Samonte, Polo Ravales, at Isabel Oli. Excited siya sa nasabing serye dahil gagampanan niya rito ang role as Ernie Balboa, isang rich businessman, na dating ginampanan sa pelikula ng yumaong aktor na si Jay Ilagan.



"I'm really happy dahil after doing Sinasamba Kita before, I was given the opportunity to do this new project. Magandang buena mano ito for me at sana nga tuluy-tuloy na ito sa career ko," bungad ni Carlo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong January 14 sa presscon ng Maging Akin Ka Lamang sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.


Thankful din siya dahil kahit napalitan sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa original casting dahil sa biglaang pagbubuntis ng young actress ay na-retain pa rin sila ni Isabel Oli na first time niyang makakatambal.



"Maganda ang working relationship namin ni Isabel, pati na rin ng buong grupo," nakangiting sabi ni Carlo. "Masaya kami sa set at talagang lahat ay seryoso sa trabaho para mapaganda lalo ang serye. Simple, maganda, at magaling umarte si Isabel.

"Gaya sa Sinasamba Kita dati, medyo baliw sa pag-ibig ang role ko dito. Isang rich businessman na sunud-sunuran at obsessed kay Rosita [Isabel]. It's something really challenging for me at masusubukan muli ang kakayahan ko as an actor. I just hope I can give justice sa role na ibinigay sa akin."



MAJA SALVADOR. Samantala, hiningan na rin namin ng reaksiyon si Carlo tungkol sa issue sa pagitan ni Maja Salvador at ng talent manager ng young actress na si Chit Ramos. Nadadawit kasi ang pangalan ng binata dahil balitang isa siya sa dahilan kung bakit magkagalit ang dalawa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala po akong ginagawang masama," diin ni Carlo. "Wala akong alam sa nangyayari sa kanila. Hindi naman nag-o-open up sa akin si Maja tungkol dito. Malinis ang konsensiya ko na wala akong ginagawang masama kay Tita Chit at kay Maja.

"I'll always be here as a friend to stand by Maja's side. Kung anuman ang problema niya ngayon, I know kailangan niya ng suporta, nandito lang ako for her and I always pray na malampasan niya ang lahat ng ito. Sana maayos na kung anuman ang gulo," pahayag ng young actor.



Tuloy pa rin ba ang panliligaw niya ngayon kay Maja?



"Hindi ko naman sinasabi ngayon kay Maja na puwede ba kitang ligawan ulit or manliligaw ako ulit. Nirespeto ko naman yung sinabi niya dati sa akin na itigil ko muna ang panliligaw ko dahil kailangan niyang mag-concentrate sa kanyang career. Right now, we enjoy each other's company at 'pag may free time kami, umaalis kaming magkaka-barkada, kasama sina Ketchup [Eusebio]. Ganun lang po," paliwanag ng binata.



Ano ba ang mga qualities ni Maja ang gustung-gusto niya?



"Yung pagiging simple at jolly niya," sagot ni Carlo. "Laging masaya at parang walang problema. Masarap siyang kasama. She's such a nice person inside and out. I like her being sweet at nag-e-enjoy talaga ako sa company niya. Napapatawa niya ako lagi.

"I won't deny naman if ever maging girlfriend ko siya dahil it is something that I should be proud of. Pero wala pa talaga kami sa ganoong situation, e. Malalaman n'yo naman if ever maging kami na. Ayoko naman kasi mag-apura ng panliligaw ‘tapos patitigilin na naman ako. 'Pag ready na rin siguro siya, mahirap i-pressure lalo na ngayong ang ganda naman talaga ng takbo ng career niya. Ayoko namang maging sagabal, di ba?" sabi ng binata na mukhang willing maghintay ng matagal sa matamis na "Oo" ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELICA PANGANIBAN. Hiningan din namin ng reaksiyon si Carlokung ano ang masasabi niya at going stronger ang relationship ngex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban sa boyfriend nitong siDerek Ramsey.



"Alam ni Angel kung gaano ako kasaya forher ngayong napakaganda ng relasyon niya sa boyfriend niyang si Derek.I still care for her as a friend. Matagal din ang pinagsamahan naminkaya hindi ganoon kadaling mabalewala siya sa akin. Wish them happinessalways," sabi ni Carlo.

CARLO'S WISHES. Meanwile, isa sa gusto pang ma-achieve ni Carlo this year ay ang magkaroon ng primetime show sa Kapuso network at makilala pa nang husto ang banda niyang Kollide.



"Given a chance why not, di ba?" bulalas niya. "Siyempre, iba 'pag may primetime show ka. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa dahil nandiyan naman ang Viva, who's handling my career right now. I'll be forever grateful sa lahat ng blessings na ibinibigay sa akin. I really love acting talaga kaya medyo nalulungkot ako kapag wala akong projects.



"Regarding my band, Kollide, we're doing great so far. Marami na rin kaming provincial shows like sa Cebu, Davao, Dumaguete. Hopefully mas mag-click kami ngayong taong ito. Marami akong songs na na-compose at sana magustuhan ito ng tao," kuwento pa niya.

For his plans this 2008, sabi ni Carlo, kung ano ang darating parasa kanya, tatanggapin niya at pagbubutihan ang lahat ng trabahongibibigay sa kanya. Siyempre, umaasa rin daw siyang maging masaya na rinthis time ang kanyang lovelife.



"Hindi kasi akomaplanong tao, e. Kung ano ang dumating, blessings na sa akin 'yon. I'mjust happy dahil nabibigyan pa rin ako ng projects. I was able to doindie films also, kahit hindi mainstream, at least active pa rin ako," pagwawakas ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN